Julian Trono clarifies rumored romance with Bianca Umali

Julian Trono on going back to Sunday All Stars: “Personally, gusto ko pong bumalik sa SAS. Kaya lang siyempre, yung schedule din po nung mga works with the Koreans, yung training, sobrang intensive po. Kailangan maximum six hours yung maabot namin araw-araw… singing, dancing. Kailangan ma-perfect mo, e. Nag-e-aim sila ng perfection."


“Lovelife? Wala muna, focus muna tayo ngayon sa work, focus muna tayo sa trabaho natin.”

Ito ang sagot ni Julian Trono nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa estado ng kanyang lovelife.

Nilinaw rin ng 17-year-old Kapuso talent na magkaibigan lamang sila ng nali-link sa kanyang si Bianca Umali.

“Kasi sobrang close kami with Tropang Potchi [kiddie TV show na pinagsamahan nila dati].

"Of course, sobrang dami naming pinagsamahan na work.

“Like, even personal, as in sobrang close na din naman kami.”

Pero lately raw ay hindi sila masyadong nagkakausap.

Lahad ni Julian, “Kasi nga, nung pag-alis ko, as in sobrang surprise yun, e. Hindi rin ako nakapagsabi, ‘di ba?

“Yung while I’m doing yung Ronda, Niño, as in iyon na po yung training, e.

“Iyon yung silently nagte-train na po ako nun.”

Matagal siyang nag-train sa pagkanta at pagsasayaw dito sa Pilipinas at sa South Korea upang matutunan ang iba-ibang estilo ng K-Pop para sa launch niya bilang singer/dancer dito sa bansa.

Tumungo rin si Julian sa Korea para mag-shoot doon ng music video para sa una niyang single na “Wiki Me.” Ginawa ang shoot sa Kimpo College.

Bukod dito ay nagkaroon din ng TV guestings si Julian, ‘tulad sa sikat na Korean music show na Show Champion.

Na-feature din si Julian sa Korea Today ng Arirang Channel, isang news magazine program sa Korea, ganun din sa TV Chosun at iba pang Korean print media.

Read: Julian Trono interviewed on Arirang channel; happy to get K-Pop training

Nakausap ng PEP si Julian sa launch niya bilang pinakabagong recording artist ng Kapuso Network noong Lunes ng hapon, February 16.

BIANCA UMALI. Going back to Bianca, kahit hindi na sila nagkakausap at nagkikita lately ay close pa rin naman daw sila bilang magkaibigan.

Sabi ni Julian, “May communication pa rin kami, we have each other’s number. Sadyang busy lang din because of work.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ni hindi raw sila nagka-text-an para batiin ang isa't isa nitong nakaraang Valentine’s Day.

Paliwanag ng binata, “Kasi po kakadating ko lang nun galing Korea.

“Sobrang pagod din naman. Wala po akong nabati talaga.”

Wala rin daw palitan ng regalo na naganap.

Wala rin daw text sa kanya si Bianca wishing him good luck sa bago niyang career path.

Wala rin daw siyang nabiling pasalubong galing Korea.

“Actually, hindi rin po ako nakaikot, hindi nila ako pinapalabas. As in hotel, rehearsals...

“Kasi sobrang lamig po! Ayaw nilang magkasakit ako.”

Ni wala rin daw siyang nakilalang Koreana na posibleng magustuhan at ligawan niya.

Seventeen years old pa lamang si Julian kaya career daw muna ang priority niya.

Hindi rin daw totoo ang balitang break na sila ni Bianca.

“Kasi hindi naman po kami naging kami. Hindi, hindi po,” diin niya.

MIGUEL TANFELIX. Kaibigan daw ni Julian si Miguel Tanfelix, na ka-loveteam ni Bianca ngayon sa Once Upon A Kiss.

“Sobrang close kami lahat, like everyone.

“Sa Tropang Potchi kasi, kami ang magkaka-age, e, so sobrang close kami talaga sa isa’t isa.”

Wala raw rivalry sa kanila ni Miguel, na ‘Sige, diyan ka sa pag-aartista, mag-a-ala-K-Pop singer ako!’

Diin ni Julian, “Walang competition.

“Actually, hindi ko napraktis ‘yang competition na ‘yan, e.

“Na parang titingnan ko na, ‘A, ito lang ang nagagawa mo,’ o whatsoever.

“Walang ganun, e. Kasi it’s my own way, parang, ‘Iba ito, e!’

“At saka iba yung ka-compete ko dito, e.

“Kung meron mang competition, ‘di ba, siyempre yung mga recording artists na nandito sa Philippines. And even sa Korea.

“So, walang ganun, walang factor na ganun.”

K-POP SYSTEM. Hindi pa rin ibinabalik si Julian sa Sunday All Stars (SAS) bilang regular performer. Noong nagbawas ng talents ang SAS ay isa si Julian sa naalis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Actually dapat, pero parang decision ng mga Koreans na huwag muna.”

Ang Korean executives ng J Entertainment na pumili sa kanya para mag-recording, sa tulong ng GMA Artist Center, ang tinutukoy ni Julian.

Paliwanag pa niya, “Ang J Entertainment, mas focused sila dito sa Philippines.

“Kumbaga, yung K-Pop system, kumbaga yung Filipino talent will be using the K-Pop system, 'tapos dito talaga magne-nurture ng talents.

“It’s for the Philippines talaga.”

Kung papalarin din daw siyang makilala sa Korea ay ikatutuwa iyon ni Julian.

Going back to SAS, hindi ba sumama ang loob niya nang nawala siya sa show?

“Nagtampo ako nung time na yun, pero that was way back,” sagot niya.

Pero ngayong may bago na siyang career bilang singer ay puwedeng-puwede na siyang ibalik sa naturang Sunday musical-variety show.

Sabi ni Julian tungkol dito, “Personally, gusto ko pong bumalik sa SAS.

“Kaya lang siyempre, yung schedule din po nung mga works with the Koreans, yung training, sobrang intensive po.

“Kailangan maximum six hours yung maabot namin araw-araw… singing, dancing.

"Kailangan ma-perfect mo, e. Nag-e-aim sila ng perfection."

NEXT SINGLE. “Surprise, e,” ang sagot ni Julian kung ano ang susunod na makikita bukod sa bago niyang single at music video.

Ang una niyang single na “Wiki Me” ay released ng GMA Records worldwide.

Ang digital single ay available na ngayon sa iTunes at sa lahat ng digital stores.

Magkakaroon din ng launch si Julian sa Linggo, February 22, sa Sunday All Stars.

Kaninong trono ang gusto niyang kunin sa mga icon sa dancing at singing?

“Well, it’s in my name naman po, Julian Trono, so siguro baka puwede po akong gumawa ng bago ko pong trono.

“Gagawa na lang po ako ng sarili ko!” natawang sagot ni Julian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN