Coco Martin personally requests for Julia Montes in new project

Coco Martin says he does not want to take advantage of his closeness to Julia Montes, “Ako, ang gusto ko, if ever lang, ang gusto ko, kung ano man ako, yun ang magugustuhan niya sa akin. Walang pretentions na parang gentleman ka lang.”


Nahirapan sumagot si Coco Martin nang tunungin tungkol sa pagdalo niya sa nakaraang premiere ng pelikula ni Julia Montes, ang Halik sa Hangin.

“Pinahihirapan ninyo ako! Ganun naman ang tao, 'pag gusto mo ang isang bagay...

“Tama na! Ayun na lang!” natatawang sabi ng aktor nang makausap ng entertainment reporters sa press conference ng bago niyang TV project sa ABS-CBN, ang Wansapanataym Presents: Yamishita Treasures.

Dito, napag-alaman ding personal na ni-request ni Coco na muling makatrabaho si Julia.

“Hindi ba puwedeng mag-request?” tawa ulit ni Coco nang tanungin kung bakit niya hiniling na muling makapareha si Julia.

Unang nagsama sina Coco at Julia sa Pangarap Kong Jackpot ng PTV4.

Muling nagsama ang dalawa sa ABS-CBN primetime series na Walang Hanggan at Ikaw Lamang.

Paliwanag ni Coco, “Ganun naman 'pag sa proyekto, 'di ba, 'pag may nakikita kang nababagay sa role?

“After din nung napanood ko siya sa Halik Sa Hangin, talagang sobrang galing na galing ako sa kanya.

“Sabi ko, sana magkasama ulit kami ni Julia.

“Nung nakita ko yung calendar ko na hindi kami magkakasama this year, at least dito sa Wansapanataym, magkakasama pa rin kami.”


“WALA PA.” Dahil sa kanilang muling pagtatambal, hindi kaya mapag-usapan ulit ang tungkol sa umano'y romantic relationship nilang dalawa?

“Wala pa naman,” sabi ni Coco.

“Nakakatuwa, kasi may mga tao na sila pa yung nae-excite para sa amin.

“Nakakatuwa din kasi, ibig sabihin, effective kami sa bawat proyekto na ginagawa namin.”

Para kay Coco, hindi dapat minamadali ang pakikipagrelasyon.

“May mga bagay na hindi dapat minamadali at iba't iba ang proseso ng tao.

“Marami pa kaming priorities and ayokong mag-take advantage na 'pag nasa soap or magkasama kayo ay mangliligaw ka.

“Ako, ang gusto ko, if ever lang, ang gusto ko, kung ano man ako, yun ang magugustuhan niya sa akin.

“Walang pretentions na parang gentleman ka lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tiniyak naman ni Coco na magiging tapat siya sa publiko kung sakaling magkaroon sila ng relasyon ni Julia.

Sabi ng Kapamilya actor, “Oo naman [aaminin ko].

“Honestly, from my indie days ko, wala namang naitago.

“Ang importante lang ay nagtatrabaho ako para din sa pamilya ko.

“Hindi naman ako showbiz.

"Kung wala naman akong dapat itago at wala naman akong ginagawang masama, anong reason para itago?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN