Melanie Marquez on niece Winwyn’s Bb. Pilipinas bid: "If they don’t pick you, it’s their loss, not yours."

What does Miss International 1979 Melanie Marquez has to say about niece Winwyn Marquez’s Binibining Pilipinas bid? “She has all the ingredients of a beauty queen,” says Melanie.


“Just be natural, and she’s so sweet, just be yourself and always remember, [to] win the crown, be like a queen. She has that personality.”

Ganito kakumpiyansa si Melanie Marquez sa kanyang pamangkin na si Teresita Ssen “Winwyn” Marquez, isa sa mga kandidata sa Binibining Pilipinas 2015.

Ginanap ang press presentation ng 34 kandidata ngayong Martes ng tanghali, February 17, sa Sofitel Philippine Plaza.

Dinaluhan ito ng mga opisyal ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) at maging ng dating titleholders, na kinabibilangan ni Melanie.

Si Melanie ang nanalong Bb. Pilipinas-International noong 1979, at siya ring itinanghal na Miss International noon ding taong iyon.

Bilang titleholder, naitanong kay Melanie kung ano pa ang maipapayo niya sa kanyang pamangkin upang masungkit ang korona.

Sagot niya, “Pati yung paglakad na nasa kanya na, e... wala na akong masyadong maipapayo pa kundi konting tips.

“Konting payo lang, pero she already has it.”

Dugtong pa ng beauty queen turned model-actress, “Very graceful siya 'pag nagwu-walk siya.

“Binigay ko lang [na advice] sa kanya, to relax para [to be] more sexy.

“'Pag ninerbyos siya, sabi ko, ‘Ngumiti ka lang.’”


WINWYN HAS IT. Umaasa rin si Melanie na sana ay masunod ni Winwyn ang mga payo niya.

“Confident ako talaga na meron siya noon, meron siya talaga, yung looks.

"Sabi ko kay Winwyn, ‘If they don’t pick you, it’s their loss, not yours."

Obserbasyon pa raw ni Melanie, “Nandun yung flair niya, e.

“Nasa kanya na yung sure winner, not because pamangkin ko siya, pero nakita ko yung stage presence niya.

"Yun ang importante, so konting tip lang ng make-up, kung paano talagang lumandi."

Pagkatapos ng panayam ng press kay Melanie, nilapitan siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at itinanong kung ano sa tingin niya ang title na deserve mapanalunan ng kanyang pamangkin.

Ani Melanie, deserve ni Winwyn ang Miss Universe-Philippines title.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, “Any major title, as long as she represents the country, I will be proud of that because she has it.

“She has all the ingredients of a beauty queen.

“Wala na siyang kulang kundi just believe in herself na lang.

“She has it. It’s just that we just have to pray more.

“She is very smart, that’s why I’m very proud, and she’s so sweet and humble, that’s one thing I like about her.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN