Kaye Abad hopes boyfriend Paul Jake Castillo is ’the one’ for her

Kaye Abad reveals that she and boyfriend Paul Jake Castillo have yet to talk about marriage. The Kapamilya actress explains, “Focused pa siya sa business and ako naman, sa career. Well, siguro, I guess, darating naman ‘yan. Hindi naman namin minamadali. Ako naman, ready ako.”


“In love, e!”

Ito ang natatawang sagot ng Kapamilya actress na si Kaye Abad nang tanungin kung bakit tila mas open na siya ngayon sa kanyang pakikipagrelasyon.

Hindi naman kaila sa publiko na ang boyfriend ngayon ni Kaye ay ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Paul Jake Castillo.

Sa kanyang Instagram account (@kaye_abad) ay madalas ding mag-post ang aktres ng sweet moments nila ng kasintahan.

Ganito ba talaga siya o ngayon lang dahil kay Paul Jake?

“Hindi ko alam, ewan ko… siguro ano, natutuwa ako, e, di post ko!” natatawa pa ring sabi ni Kaye.

Pero parang sa lahat ng nakarelasyon niya, ngayon lang yata siya naging ganito ka-open?

Paglilinaw ni Kaye, “A, hindi, open naman ako before.

“Hindi lang ako ano dati… hindi naman ako pa-interview dati, ‘di ba? Ever since, so yun…”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kaye sa thanksgiving show ng Two Wives sa Market! Market!, Taguig City, noong February 15.

VALENTINE SURPRISE. Sa Instagram ay ibinahagi ni Kaye ang sorpresa sa kanya ni Paul Jake noong Valentine’s day, kunsaan pinuntahan siya ng aktor sa taping niya ng Two Wives sa Bulacan, na may dalang flowers, balloons, at chocolates.

Masayang lahad naman ni Kaye, “Oo! Kasi, bago ako umalis, sabi niya, ‘Naiinggit ka, ‘no? Naiinggit ka sa mga babaeng may flowers na natatanggap, ‘no?’

“’Hindi, a!’ Sabi ko, hindi talaga.

“I wasn’t expecting kasi hindi naman siya ganun na tao. So, alam ko naman.

“’Tapos sabi niya, ‘Sorry, Abad. Your boyfriend is not sweet.’

“So, sabi ko, ‘No, it’s okay.’ Okey lang naman talaga sa akin.

“’Tapos yun, nagulat ako, nandoon siya. May balloons, may bulaklak.

“So, tawang-tawa ako!

“Kasi, hindi nga siya ganun. Kahit siya, nahihiya siya.

“Sabi niya, ‘O, dalhin mo dun.’

“Actually, kahit friend niya, nagulat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, may friend siyang nag-comment sa Instagram ko na, ‘Wow, is that you? You must really love her.’”

IS HE THE ONE? Tinanong ng PEP si Kaye kung sa kanyang palagay ay si Paul Jake na ang lalaking makakatuluyan niya.

“Sana,” mabilis na sagot ng 32-year-old actress.

Dagdag pa niya, “Kasi, ang tanda ko na kung magbo-boyfriend pa ako ulit.”

Mukhang maganda rin ang pagtanggap ng kani-kanilang pamilya sa relasyon nila.

Pagkumpirma ni Kaye, “Oo naman, at saka sa bawat naging relasyon ko naman, okey naman ang parents ko. Wala namang naging isyu.”

Yung kasal, napag-uusapan na ba nila?

“Hindi pa, focused pa siya sa business and ako naman, sa career.

“Well, siguro, I guess, darating naman ‘yan. Hindi naman namin minamadali.

“Ako naman, ready ako,” saad niya.

Natawa naman si Kaye nang sabihin naming hinihintay na lang niyang mag-propose sa kanya si Paul Jake.

“Siguro, yung tamang oras, tamang panahon.”

HOSPITAL BED. Isang araw pagkatapos naming makapanayam si Kaye, noong February 16, ay naospital siya dahil na rin siguro sa matinding pagod mula sa trabaho.

Nag-post pa nga siya sa Instagram ng larawan ng get-well flowers na padala sa kanya ng Two Wives production staff.

Si Paul Jake naman ay nag-post sa Instagram (@pauljake1222) ng larawan ni Kaye na masaya naman sa hospital bed nito habang napapalibutan ng iba’t ibang pagkain.

Ayon pa sa caption naman ni Paul Jake: “This girl is recovering… Hahahaha!!! @kaye_abad told you Wala Lang yun.”

This girl is recovering..... Hahahaha!!! @kaye_abad told you Wala Lang yun. 😂

A photo posted by Paul Jake Castillo (@pauljake1222) onFeb 17, 2015 at 12:15am PST

Nagpadala ng text message ang PEP at tinawagan din namin si Kaye para malaman kung ano ang naging sakit nito o kung naka-confine pa rin ba siya, pero hindi pa siya sumasagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN