Angelica Panganiban condemns illegal download of That Thing Called Tadhana

“Gusto kaya nila wala ng gawing pelikula ang mga artista? Dahil mawawalan na kami ng trabaho sa pag suporta nila sa piracy,” says Angelica Panganiban about the illegal uploading of That Thing Called Tadhana on the Internet.


β€œAlam ba nilang iligal yung ginagawa nila??”

Ito ang naging reaksiyon ni Angelica Panganiban sa nai-tag sa kanyang screenshots ng pirated copy ng hit movie nila ni JM de Guzman na That Thing Called Tadhana.

Simula nang maipalabas ang nasabing pelikula sa mainstream cinemas, marami rin ang nag-upload online ng Cinema One Originals movie na ito na unang ipinalabas noong 2014.

Bagamat ang iba ay ipinababa na ng Star Cinema, na distributor ng pelikula, marami pa rin ang nag-a-upload ng pelikula hindi lamang sa YouTube.

Ikinainis ito ni Angelica lalo pa't marami rin ang nag-tag sa kanya sa mga nai-post ng screenshot ng pelikula.

Matapos ibahagi ang mga nai-tag sa kanyang screenshots, ipinaalam niyang isa ring uri ng piracy ang ginagawa nila.

Sa huli, idinaan na lamang ni Angelica sa paggaya sa character niyang si Mace ang pagsagot sa isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN