Julian Trono on Binibining Pilipinas candidate Winwyn Marquez: “Crush ko siya.”

Julian Trono on why he refrains from dating a girl from show business: “I prefer non-showbiz talaga. Or kung showbiz man, stress, e… parang it’s kinda complicated.”


Mariing pinabulaanan ni Julian Trono ang espekulasyong may relasyon sila ng Kapuso teen actress na si Bianca Umali.

Hindi rin umano totoong nagkakamabutihan sila ng dating katambal niya sa Anna Karenina na si Krystal Reyes.

“I’m proud to say, wala po [akong dine-date],” pahayag ni Julian nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang relationship status niya ngayon.

Ayon kay Julian, malapit na kaibigan lang ang turing niya kay Bianca.

“Hindi, wala [kaming relasyon]. Sobrang naging close lang kami with a lot of shows.

“Siguro na-misunderstood lang yung closeness,” paglilinaw pa ng 17-year-old Kapuso heartthrob.

Nakasundo umano ni Julian si Krystal dahil self-confessed fan ang huli ng K-Pop kaya may mga pagkakataong nagkakakuwentuhan sila.

Lalo na nang kunin si Julian bilang kauna-unahang Pinoy na sumailalim sa K-Pop training ng JU Entertainment dito sa bansa at pati na rin sa South Korea.

Sabi ni Julian patungkol kay Krystal, “We’re both very fine. Nagkamustahan lang kami pagbalik ko galing Korea.”

Nakapanayam ng PEP si Julian sa blog conference para sa “Wiki Me,” ang first single niya na iprinodyus ng JU Entertainment.

Ginanap ang blogcon sa Papa John’s sa Tomas Morato, Quezon City ngayong Biyernes ng hapon, February 20.

Dito ay inamin ni Julian na mas nagkakagusto siya sa mga babaeng ilang taon ang tanda sa kanya.

“I like someone much older than me.

“Ewan ko, ha, I totally believe that I was born parang 30s or 40s... parang old soul.

“I don’t listen to [Frank] Sinatra, pero yung mga type of music ko, yung mas chill, hindi maingay.”

Paglalarawan pa ni Julian sa tipo niyang babae, “'Tapos mas nakakasundo ko yung vibe nila.

“Hindi ako ma-sweet talk, mas more of like intellectual talk.

“Na parang, ‘Anong stand mo sa ganito?’ Mas naa-attract ako sa ganun.”

Maging ang ex-girlfriend niya “a few months back” ay mas matanda umano sa kanya ng dalawang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya nang unang tanungin ng PEP si Julian kung niligawan niya si Bianca, ito ang sagot ng binata: “She’s way younger [than me]. She’s only 14 years old.”

Kung mayroon man siyang natitipuhan sa showbiz, iyon ay ang Kapuso star at Binibining Pilipinas 2015 candidate na si Winwyn Marquez.

“Si Number 34 ng Binibining Pilipinas, si Winwyn. She’s 20 [years old],” nakangiting pag-amin ni Julian.

So, mas attracted siya sa mga mala-beauty queen ang ganda?

“Yung medyo model type,” sagot ni Julian.

Ngunit agad niyang nilinaw na hindi siya nanliligaw kay Winwyn.

“Super close friend ko siya. Crush ko siya. Alam niya,” paglilinaw pa niya.

Sa katunayan, todo-suporta si Julian sa pagsali ni Winwyn sa pinakaprestihiyosong beauty pageant sa bansa.

“Kasi meron nang mga kuwentuhan, yung group namin sa Party P [Party Pilipinas] before—sina Mark Herras, sina Rocco [Nacino].

“Sabi namin, go for it. Ayaw pa niya before. So, parang yun.

“Of course, excited kami lahat.

"Sabi nga namin [sa kanya], ‘Bring home the bacon with cheese!’”

Natawa si Julian nang biruin na tila lahat ng mga nauugnay na aktres sa kanya ay “friendzoned” agad sa kanya.

Kung siya raw kasi ang tatanungin, mas gusto niyang hindi galing showbiz ang magiging karelasyon niya.

“I prefer non-showbiz talaga.

“Or kung showbiz man, stress, e… parang it’s kinda complicated.”

Sa ngayon, patuloy ang K-Pop training ni Julian para sa gagawin niyang solo album at iba pang proyekto dito sa bansa.

Ganunpaman, bukas daw siya sa posibilidad na pumasok sa isang relasyon kung ibibigay ng pagkakataon.

"Of course, focus din sa work. Kaya naman i-balance," dagdag pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN