Julian Trono raves about his K-Pop intensive training in South Korea

Kapuso tween star Julian Trono on his intensive dance and voice training experience in South Korea: “Matagal na akong dancer at akala ko ay alam ko na lahat ng dance steps. Hindi pala. No wonder ang mga K-Pop stars kapag mag-perform sila, sabay-sabay sila at walang sablay.”


Hinding hindi makakalimutan ng Kapuso tween actor na si Julian Trono ang kanyang naging K-Pop voice and dance training sa South Korea.

Gitna ng taon nang nagsimula ang training si Julian sa South Korea sa ilalim ng mga mahuhusay na K-Pop choreographers at directors.

Natapos din ang kanyang single titled “Wiki Me” at pati na ang kanyang music video na kinunan sa Kimpo College, isang university doon.

INTENSIVE TRAINING. Kinuwento ni Julian na matindi raw ang training niya roon at masyado raw metikuloso ang mga nag-train sa kanyang mga Koreans na nakatrabaho na ang mga big K-Pop stars.

Kung ikukumpara raw dito sa atin, malayung-malayo raw ang naging karanasan niya roon.

“Matagal na akong dancer at akala ko ay alam ko na lahat ng dance steps. Hindi pala.

“Yung tinuro nila sa akin doon, ibang klase kasi ultimo maliliit na steps ay kailangan perfect ang paggalaw mo.

“Kaya paulit-ulit kami hanggang maging perfect sa beat.

“No wonder ang mga K-Pop stars kapag mag-perform sila, sabay-sabay sila at walang sablay. Kasi nga, taon ang binilang ng training nila.

“Kaya ako, sobra kong tsine-cherish ang napag-aralan ko sa South Korea.

“Tuloy pa rin ang training ko dahil may iba pa akong mga projects na gagawin pa,” kuwento pa ni Julian nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa GMA Network Center noong February 16.

Nagawa ngang pakantahin si Julian at aminado ito na hindi siya talaga singer.

Pag-amin niya, “Sino ang unang nagsasabing hindi ako marunong kumanta? Ako iyon.

“Talagang hindi ako singer. Pero dahil sa binigay nilang training sa akin, naging recording artist na ako.”

MARK IMPRESSED. Ang idol niyang si Mark Herras ang unang binalitaan ni Julian Trono tungkol sa kanyang K-Pop training sa South Korea. Sa kanya rin unang pinarinig ni Julian ang kanyang unang single na “Wiki Me.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi nga raw naniwala noong una si Mark na si Julian yung kumakanta dahil alam niyang hindi kumakanta ito.

“Kay Tatay Mark ko unang pinarinig ang single ko. Noong una hindi ko sinabing ako ang kumakanta.

“Nagandahan siya at tinanong niya kung sino ‘yon. Sabi ko, ako ‘yon. Sabi niya, ‘Weh! Huwag ka ngang magpatawa! Hindi ka naman kumakanta, e. Sino nga ‘yan?’

“Noong napatunayan ko na ako yung kumakanta, lalong natuwa si Tatay Mark sa akin kasi hindi lang daw pala ako magaling sumayaw, kumakanta na rin pala ako.

“Ako mismo, aminado ako na hindi ako talaga singer. Hindi naman ako sintunado pero hindi singing ang forte ko.

“Pero kasama iyon sa naging training ko sa K-Pop at talagang pinagtiyagaan nila akong turuan talaga sa pagkanta,” ngiti pa ni Julian.

KOREAN GIRLS. Marami ring nakilalang Korean girls si Julian nang mag-shoot siya ng music video sa South Korea.

Ayon kay Julian, ang mga Koreana ay magkakamukha raw ang mga ito kaya ang hirap daw makapili kung kanino siya magkaka-crush.

Pero nagulat daw si Julian dahil alam ng mga nakasama niyang Koreana na Pinoy siya at agad daw hiningi ang kanyang contact number.

“Diretso sila sa paghingi ng number ko. Nagulat nga ako, e!” tawa pa niya.

“Very friendly lang talaga sila siguro. 'Tsaka enjoy na enjoy sila na nakasama sa music video na kinunan namin doon sa university.

“Yun nga lang may language barrier.

“Konti lang sa kanila ang marunong magsalita ng English. Kaya kailangan ko ng interpreter para makausap sila,” lahad din niya.

LEARNING TO SPEAK KOREAN. Pinagsabihan si Julian na mag-aral itong magsalita ng Korean para kapag kinuha siyang mag-guest sa mga shows sa Korea ay maiintindihan niya ang mga taong makikilala niya.

“Mga basic Korean words pa lang ang alam. Medyo mahirap ipasabay ang mag-aral ka ng bagong language at sa ginagawa kong voice and dance training.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero I will try my best para pag-aralan lahat. Madadaan naman yan sa tiyaga,” diin pa niya.

Dalawang Korean shows nga lumabas si Julian noong nasa South Korea siya. Una ay sa morning show na Korea Today at pangalawa ay sa Show Champion na isang sikat na talent show sa South Korea.

Sa Sunday All Stars ilo-launch ang single at music video ni Julian na “Wiki Me” na ire-release ng GMA Records worldwide.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN