Niño Muhlach sets up trust fund for son Alonzo

Just like what his dad did for him, Niño Muhlach plans to establish a trust fund to secure son Alonzo’s financial future: “That’s why gano’n din ang gagawin ko. Lahat ng mga talent fees ni Alonzo will go to a trust fund at makukuha lang niya iyon when he turns 25 or when he has a college degree."


Hindi napigilan ni Niño Muhlach na maiyak sa naganap na contract signing ng kanyang anak na si Alonzo Muhlach at ang Viva Artist Agency or VAA.

Paliwanag ng dating Child Wonder of Philippine Cinema na kaya siya naging emosyunal ay dahil hindi niya inakala na ang mga manunulat na nakilala at sumuporta sa kanya noong bata pa siya ay nandiyan pa rin at ang anak naman niya ang sinusuportahan.

“Hindi lang ako makapaniwala na ganito na pala ako katagal sa industriyang ito.

“Kung noon, ako ang kinakaaliwan, ngayon si Alonzo na ang kinakaaliwan ng mga reporters na nakilala ko noong panahon na kasing-edad ko ang anak ko.

“Na-miss ko lang yung mga nawala na, like sina Tito Oskee Salazar, Tito Billy Balbastro, Mama Monchang at yung ibang naging close sa akin at sa pamilya ko.

“Kung ano ang naging suporta ninyo sa akin noon, sana ay yun din ang suporta na ibigay ninyo kay Alonzo.

“Through the help of Viva Artist Agency and Tita Aster Amoyo, alam ko na mabibigyan ng magandang career si Alonzo,” pahayag ni Niño nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Music Hall, Metrowalk, sa Pasig City noong February 16.

NEW PROJECTS. Sunud-sunod na nga ang mga projects na naka-line up para kay Alonzo, kabilang na rito ang shows niya sa ABS-CBN na Goin' Bulilit, Inday Bote at Wansapanataym, kunsaan makakasama niya si Coco Martin at Julia Montes.

“Very thankful nga ako sa pag-asikaso nila Tita Aster at ng VAA dahil naging busy agad si Alonzo.

“Nanggaling din kami sa ABS-CBN at tuwang-tuwa sila kay Alonzo.

“Sinama nga siya sa one-month presentation ng Wansapanataym with Coco Martin and Julia Montes.

“Gagawin nga raw nilang special yung episode dahil kasama si Alonzo sa cast.

“Nakakatuwa dahil sa ABS-CBN unang lumabas si Alonzo, sa show ni Judy Ann Santos na Bet On My Baby. 'Tapos sumunod ang Pinoy Big Brother: All-In. Ngayon, tatlo na ang shows niya sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maraming salamat sa tiwala na binibigay nila sa anak ko,” ngiti pa ni Niño.

Ang una ngang pelikula na pagbibidahan ni Alonzo ay remake ng isang hit movie ni Niño na Kuwatog.

Isusunod pa ang ibang remake ng mga pelikula ni Niño na Nognog, Enteng Anting, Peter Pandesal, Darna at Ding, Hepe, Tembong, Ang Tatay Kong Nanay at Tahan Na Empoy.

GROWING UP NORMAL. Kahit na dagsa ang trabahong dumarating kay Alonzo, nais pa rin ni Niño na lumaking normal ang kanyang anak.

“Kahit na nandiyan na ang mga projects, gusto ko pa rin na lumaking normal na bata si Alonzo.

“Huwag naman tulad nang nangyari sa akin na halos wala akong pahinga noon. Kaya nga hindi tayo lumaki!” tawa pa ni Onin (palayaw ni Niño).

“May rest day si Alonzo from his TV shows. 'Tsaka gusto kong nasa school din siya. I want him to interact with kids his age.

“Ako kasi noon, puro matatanda ang mga naging kaibigan ko kasi parati akong nasa set.

“I want Alonzo to grow up a normal kid. At alam kong matangkad siya dahil ang misis ko (Abby Tupaz-Muhlach) ay matangkad, kaya mamanahin ng anak ko ‘yon!” nangingiti pa niyang saad.

TRUST FUND. At tulad ng ginawa ng ama ni Niño na si Alex Muhlach, lahat ng kinikita ni Alonzo ay diretso sa isang trust fund.

Lahad din niya, “I want to follow what my dad did sa mga kinita ko noong child star pa ako.

“My dad placed all my money in a trust fund at yung mga kinita ng movies na co-produced ng D’Wonder Films ay na-invest niya nang maayos.

“Kaya at 8 years old, nagkaroon na ako ng El Niño Apartelle na hanggang ngayon ay nandiyan pa at ikinabubuhay namin. Nagkaroon kami ng ilang mga business because of my dad’s investments.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung trust fund ko ay buo pa rin at hindi ko ginagalaw.

“Kung tutuusin ay puwede na, because the conditions are it’s either I turn 25 years old or I have a college degree.

“Pero sabi nga ng dad ko, kung gagalawin ko ang trust fund ko, e gago ako kasi hindi ko naman kailangan galawin iyon because okey naman kami. Meron kaming business and we’re all living okay.

“That’s why gano’n din ang gagawin ko. Lahat ng mga talent fees ni Alonzo will go to a trust fund at makukuha lang niya iyon when he turns 25 or when he has a college degree.

“Lahat naman ng gastos niya ay ako ang nagsu-shoulder. Siyempre, bilang ama niya ay responsibilidad ko ang lahat ng gastusin niya, kahit na may showbiz career na siya.”

B-DAY WISH FOR ALONZO. Magandang regalo nga kay Alonzo ang exclusive contract niya sa VAA. He just turned 5 years old last February 19.

Ang wish nga ni Niño para kay Alonzo ay ang ipagpatuloy nito ang pagbibigay saya sa lahat ng mga taong makakasalamuha niya.

“I just want my son to continue to make people smile.

“Lahat ng mga nababasa ko sa social media, natutuwa sila kay Alonzo. Iba raw ang sigla na binibigay niya sa kanila.

“Kaya ayokong mawala ang energy niyang iyon. And he continues to love everybody. Masyadong malambing ang anak kong ‘yan at lahat yayakapin niya at hahalikan niya.

“And I wish him to grow up a very good boy. Maging obedient siya sa mga sinasabi namin ng mama niya and always be a friend to everyone na makakatrabaho niya,” pagtatapos ni Niño.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN