Bianca Manalo admits big crush on Daniel Padilla: “Grabe, kinikilig ako kay Daniel!”

Bianca Manalo on Daniel Padilla: “Nag-start na maging crush ko si Daniel noong mapanood ko ang movie nila ni Kathryn Bernardo na She’s Dating A Gangster. Sobra akong kinilig doon kay Daniel. Ang ganda ng mga mata niya ’tapos nakakatunaw siyang tumitig kay Athena!”


Hindi maitago ng former Bb. Pilipinas-Universe 2009 na si Bianca Manalo ang kanyang paghanga sa batang aktor na si Daniel Padilla.

Inamin ng beauty queen-turned-actress/TV host na sobra siyang kinikilig kapag napapanood niya ang numero unong Kapamilya heartthrob.

Kaya kapag tinatanong si Bianca kung sino ang crush niya, ito ang mabilis niyang sagot:

“Grabe kinikilig ako kay Daniel! Super crush ko siya!

“Nag-start na maging crush ko si Daniel noong mapanood ko ang movie nila ni Kathryn Bernardo na She’s Dating A Gangster.

“Sobra akong kinilig doon kay Daniel.

“Ang ganda ng mga mata niya 'tapos nakakatunaw siyang tumitig kay Athena!” kinikilig na kuwento ni Bianca nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong February 19 sa Cafe Via Mare, Shangri-La Mall, Mandaluyong City.

WISHES TO SEE DANIEL IN PERSON. Yun nga lang daw ay hindi pa raw nakikita nang personal ni Bianca si Daniel.

Pakiramdam daw niya ay baka himatayin siya sa sobrang pagkakilig kay Daniel kapag nakilala na niya ito.

“Sa totoo lang, gusto ko siyang makita in person talaga.

“Never ko pa siyang nakikita sa studio ng ABS-CBN. Nababalitaan ko lang na nandoon siya, pero hindi ko pa siya nakikita talaga.

“Hanggang pelikula at TV ko pa lang siya nakikita.

“Ewan ko kung ano ang mangyayari kapag nakita ko na siya in person.

“Baka tumili ako o himatayin. Bahala na kung ano ang mauna!” malakas na tawa pa ni Bianca.

RESPECT FOR KATHNIEL FANS. Hindi maikakaila na sa social media ay very protective ang mga fans nila Daniel at Kathryn na binansagang “KathNiel,” lalo na kapag may ibang babae na nagkakagusto sa batang aktor.

Hindi ba natatakot si Bianca sa KathNiel fans?

“Balita ko nga na masyadong seloso ang mga KathNiel fans. Very active pa naman sila sa social media. Kaya natatakot din ako sa kanila!” tawa pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero wala namang masama na sabihing crush ko si Daniel, ‘di ba? Hindi ko naman siya aagawin kay Kathryn.

“Gusto ko lang siyang makita at makilala in person. Wala akong gagawin na ikakagalit nila, promise!”

Gustong makatrabaho ni Bianca si Daniel sa isang teleserye o sa isang pelikula.

“Sana naman, ‘di ba? Pero siyempre, ang role ko nakatatandang kapatid na. Hindi naman ako puwedeng i-partner kay Daniel, dahil 27 years old na ako at 19 years old lang si Daniel.

“Ayoko namang gumanap na cougar, ‘di ba? Awkward!” malakas na tawa pa niya.

LOVELESS. Loveless si Bianca ngayon; dalawang buwan na siyang hiwalay sa kanyang businessman-boyfriend.

“Naku, ayoko munang ma-in love. Masyado akong napagod. Gusto ko munang maging single.

“'Tsaka gusto ko magtrabaho nang magtrabaho.

“Mabuti na lang at meron akong Deal Or No Deal at may teleserye ako na On The Wings of Love. Kaya super busy ako. Hindi ko na iniisip ang ma-in love.

“Bilin nga sa akin ni Mama Jonas [Gaffud of Mercator Models] who’s managing me now, focused ako sa career ko. Matagal akong natengga kasi sa work kaya kailangan bumawi ako.

“Kaya thankful ako sa Mercator and to Star Magic because sila na ang tumutulong sa akin ngayon. At ang ganda naman ng mga blessings na dumating sa akin this year,” ngiti pa ni Bianca.

MATURE MEN. Kung sakali nga raw na maging ready na ulit si Bianca na magpaligaw, mas gugustuhin niya ang lalaking mas matanda sa kanya.

“Huwag naman ang kasing-edad ni Daniel, ‘di ba? Ayoko ngang maging cougar!

“'Tsaka magiging sakit lang ng ulo sa akin ang mga bagets. I won’t be able to relate with them now. Iba ang trip nila at hindi magwu-work kapag younger ang lalakeng pipiliin ko.

“Mas gusto ko talaga mas older sa akin or halos kasing edad ko lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi mas marami na silang experiences sa buhay at alam na nila kung paano mag-handle ng isang relasyon.

“Kapag bagets kasi, siyempre, medyo immature pa ‘yan. Hindi kayo magdja-jive sa maraming bagay.

“Kaya doon na ako sa mas marami nang alam sa buhay at magkakasundo pa kami,” pagtatapos ni Bianca.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN