K-La Rivera clears herself from ’jealousy’ issue involving Angeline Quinto and Erik Santos

Excerpt from K-La’s statement regarding an alleged issue involving Angeline Quinto and Erik Santos: “It’s just unfortunate that there may have been misunderstandings in the past few months, and I was just surprised to see this issue arise on TV when the only relationship that has ever existed between Erik and I, is friendship.”


Bago pa sumapit ang Pasko noong nakaraang taon, lumipad na ang singer-actress na si K-La Rivera sa Canada para magbakasyon.

Nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang manager ni K-La na si Maristel Fernandez kung hanggang kailan ito mananatili sa Canada, inamin nitong hindi pa raw niya alam.

“Indefinite leave” daw ang pagbabakasyong ito ni K-La.

Kaya kung handa nang bumalik si K-La sa bansa ay saka pa lang sila muling tatanggap ng mga bagong proyekto para sa singer-actress.

Ngunit kahit nasa Canada si K-La, nadadawit pa rin ang pangalan niya sa ilang isyu.

Kamakailan lang ay naugnay ang pangalan ni K-La sa relasyong Angeline Quinto at Erik Santos.

Read: Angeline Quinto answers rumors that she got jealous of Erik Santos and K-La Rivera's closeness

Lumabas din dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang isang panayam kay Angeline, kunsaan nabanggit nito ang pangalan ni K-La.

Inamin din ng Kapamilya singer na tinext niya si K-La ngunit wala pa raw siyang natanggap na sagot.

Ito ay para raw sana klaruhin kay K-La ang isyung nag-uugnay sa kanila ni Erik, at upang tanungin kung alam ni K-La na may namumuong pagkakamabutihan sa pagitan nila ng male singer.

Nagkasama sina K-La at Angeline sa Star Power: Sharon Cuneta's Search for the Next Female Pop Superstar ng ABS-CBN noong 2010, kunsaan si Angeline ang itinanghal na grand winner.

K-LA'S MESSAGE. Sa pamamagitan ng Facebook at sa manager niyang si Maristel, ipinadala namin kay K-La ang link ng artikulo ni Angeline na lumabas dito sa PEP at sinubukang kunin ang kanyang reaksiyon.

Mabilis naman naming natanggap ang sagot ni K-La sa pamamagitan din ng private messaging ng Facebook.

Narito ang kanyang pahayag:

“Due to being out of the country, this is why I've yet to receive any texts nor reply to any.

“Of course I would be open to speak to Angeline, and I would be more than happy to hear that their friendship has blossomed into something deeper.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It's just unfortunate that there may have been misunderstandings in the past few months, and I was just surprised to see this issue arise on TV when the only relationship that has ever existed between Erik and I, is friendship.

“I would hope that this could be discussed privately instead of publicly, out of respect to all people involved, as well as me having no intentions of getting in between whatever Erik and Angeline may have going on.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN