Diana Zubiri gets engaged in Japan

Diana Zubiri is now engaged to her model boyfriend Andy Smith. Last February 16, Andy posted on his Instagram account the video of his proposal to Diana.


Engaged na ang aktres na si Diana Zubiri sa kanyang model boyfriend na si Andy Smith.

Sa kanyang Instagram account (@dianazubiri_) nitong February 21, Sabado, ipinost ni Diana ang larawan ng kanyang kamay suot ang engagement ring.

Kalakip ng post ay lyrics mula sa kantang “This I Promise You” ng American boyband na 'N Sync.

Samantala, sa Instagram account naman ni Andy, ipinost nito ang ginawa niyang proposal sa aktres.

February 16, ipinost ang nasabing video at nangyari ito sa Japan.

Sa nasabing video, nag-propose si Andy kay Diana habang nasa background nila ang famous landmark na Tokyo Sky Tree.

Ang caption dito ni Andy: “And I promise to love you for the rest of my life @dianazubiri.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN