Richard Yap explains why he backed out of Ai-Ai delas Alas’s V-Day show: “May warning signs na kasi.”

Richard Yap on why he backed out of Ai-Ai delas Alas’s Valentine’s Day show which was cancelled at the last minute: “January pa lang, meron nang nag-warn sa akin. May nag-send ng articles sa akin na hinahanap yung dalawang producers no’n. Ayoko lang sabihin dati. Ngayon lang ako nagsasalita tungkol dito.”


Isang post-Chinese New Year celebration ang ibinigay ni Richard Yap sa movie press kahapon, Sabado, February 21. Ginanap ito sa pag-aari niyang Wangfu Chinese Bistro sa Tomas Morato Avenue, Quezon City.

Simple lang daw ang naging celebration nila ng kanyang pamilya nung katatapos na Chinese New Year.

“Nag-dinner lang kami sa bahay,” kuwento ni Richard nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng entertainment media.

“Usually naman gano’n, e,” patungkol niya sa pagsalubong sa Chinese New Year.

“May mga fruits, anything round. Tapos may isda, may tikoy, may pansit.

“Gano'n lang naman usually. Simple lang naman. Basta magkasama lang ang buong pamilya.”

Meron ba siyang masasabing hiling sa pagpasok ng Year of the Wooden Sheep?

“Well, I just wish na maganda yung magiging projects namin this year. And good health for everyone especially for my kids, my family, and my wife.”

NEW LOOK. Kapuna-puna ang "new look" ngayon ni Richard. Hindi siya naka-salamin at ang buhok niya ay medyo pataas.

“Ano lang, after I did Be Careful... and Praybeyt Benjamin, pumunta ako sa hairdresser ko. Sabi ko, baguhin mo naman ang buhok ko.

“Sabi naman niya, 'O sige, ako ang bahala.' At okey naman, madaling ayusin yung bagong hairstyle ko,” sabi niya.

Wala raw kinalaman ang kanyang "new look" sa bagong teleseryeng gagawin niya sa ABS-CBN kung saan si Judy Ann Santos naman ang makakatambal niya.

“Ewan ko lang kung ipapa-retain nila yung ganitong look ko. We’ll start taping by March.

“Naikuwento na sa akin yung story. And it’s very interesting.

“It’s something very different from all the teleseryes that you are watching. So I’m very excited about it,” masaya niyang lahad.

EXCITED TO WORK WITH JUDAY. First time pa lang nilang magkakatrabaho ni Judy Ann. Sa palagay niya, magiging maganda ang collaboration nila ng aktres?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t know. We haven’t met, actually.

“I’ve met Ryan [Agoncillo, Judy Ann’s husband] before. Pero si Ms. Judy Ann, hindi pa.

“Of course, I’m looking forward to working with her. It’s such an honor.

“She’s the Teleserye Queen. So I’m hoping to learn new things from her.

“And I’m very excited talaga to work on this project kasi maganda talaga yung story nito. It has a little bit of everything.

“May drama, may konting comedy, may konting action. A little bit of everything,” ngiti niya.

OFFBEAT ROLE. Yung role ba niya rito, malayo sa character ni Sir Chief na ginampanan niya sa Be Careful With My Heart?

Ani Richard, “Medyo malayo. Kasi yung character ko dito, iba talaga.

“But I can’t tell you the details pa. We’ll be announcing it soon.”

Yung pagtatambal nila ni Jodi Sta. Maria sa Be Careful With My Heart, tumagal ng taon sa pag-ere.

PRESSURED? Hindi ba siya nakakaramdam ng pressure na baka ganito rin ang inaasahan sa teleseryeng pagsasamahan nila ni Judy Ann?

“Uhm… hindi ko masabi if it will be long-term. Kasi iba na ito, e.

“Iba na yung story. Iba na yung ano… it depends.

“Well, I wouldn’t expect it to run as long as Be Careful… I think it will be shorter.

“And I try not to pressure myself.

“Basta bago ‘to. We’ll just do our best.

“Kung maganda naman yung story, I’m sure tatanggapin naman ito ng mga tao,” pahayag niya.

MOVIE PROJECTS. Bukod sa teleserye, may iba pa ba siyang projects na gagawin?

“May gagawin akong pelikula. May two movies yatang pinag-uusapan sa ngayon pero wala pang detalye as of now,” dagdag din niya.

Matutupad na kaya yung pangarap niyang makagawa ng action film?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mukhang hindi pa, e,” sabay ngiti ulit ni Richard.

STAR AWARDS NOMINATION. Isa si Richard sa mga nominees sa kategoryang Best New Movie Actor sa nalalapit na PMPC Star Awards For Movies. Gaganapin ito sa The Theater ng Solaire Hotel sa March 8 at ipapalabas sa ABS-CBN sa March 22.

“Wow!” sabay ngiting reaksiyon ng aktor.

“I didn’t expect that. And I’d like to thank PMPC [Philippine Movie Press Club] for that nomination.

“Being nominated is already a big honor for me.”

SOLO CONCERT? Maganda ang feedback sa unang album na ni-record niya. Kasunod nito ay ang planong pagkakaroon niya ng concert.

Saan kaya gaganapin ito? Sa Araneta Coliseum ba o sa MOA Concert Arena?

Aniya, “I would prefer siguro sa smaller venue, if ever.”

Bakit ayaw niya sa malaking venue kaagad?

“Siguro ano muna ako… kailangang pahinugin muna ang prutas!” sabay tawa ni Richard.

Sakaling matuloy ang pinaplanong concert, sino ang mga artists na gusto niyang maging guest?

“Actually, hindi ko pa napag-isipan, e. Kasi wala pa naman,” pag-amin niya.

NO RIFT WITH AI-AI. Dapat ay magsasama sila ni Ai-Ai delas Alas sa isang Valentine concert. Pero hindi natuloy ang negotiation, at hindi natuloy ang nasabing concert.

May mga intrigang lumabas kaugnay nito. Nagkausap na ba sila ni Ai-Ai?

“We haven’t talked about it. Actually, hindi kami nagkita kasi.

“Much better if we had talked about it personally. Wala namang ano… well, I feel bad for her.

“Kasi pati siya, I mean… hindi na nga natuloy, last minute pa. But ano kasi, e… may warning signs na kasi.

“So it was my management’s best interest for me na talagang… umpisa pa lang, kinat [cut] na nila.

“Ang problema lang do’n, siya [Ai- Ai]… pinaasa siya. So I just feel bad na her concert was cancelled at the last minute.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“There’s no rift between us.

“Nakausap naman niya yung mga handlers ko. Sinabihan naman siya, e. Alam niya kung ano ang nangyari,” mariing paglinaw ni Richard.

LESSON LEARNED. Isa sa naging dahilan kung bakit hindi natuloy ang paggi-guest ni Richard sa concert ni Ai-Ai ay nag-fail ang producer na magbigay ng down payment. Kaya may isyu na pera-pera lang daw pala ang concern ng kanyang kampo.

Aniya, “Kung iisipin mo, what are we in business for? 'Di ba pera naman talaga?

“Kung charity event yun, walang problema. Gagawin natin," ang sabi ni Richard.

“Pero kung mag-i-event ka lang para kumita yung producer at saka lolokohin ka… e, 'di huwag na lang.

“'Di ba? Ibang usapan naman ‘yon.

“January pa lang, meron nang nag-warn sa akin. May nag-send ng articles sa akin na hinahanap yung dalawang producers no'n.

“Ayoko lang sabihin dati. Ngayon lang ako nagsasalita tungkol dito.

“Kasi para sabihin na… pera-pera lang 'yan? Ano ba ang ginagawa nila?

“Kaya sa mga taong nag-iisip ng gano’n, mag-isip muna kayo nang mabuti. I mean… kayo, gusto n'yong paloko?

“Naloko na kami dati, e. May isang out-of-town show na hindi kami binayaran ng full amount.

“So ngayon very careful na ang mga handlers ko. Dahil meron na kasi kaming past experience.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN