Xian Lim must first undergo challenges to be accepted in Albay again

Bagamat tinatanggap na ni Albay Governor Joey Salceda ang "sorry" ni Xian Lim, aniya, "I’m asking his manager, sa network na padaanin sila sa training on cultural sensitivity at tourism promotion ang kanilang mga artista at mga road managers."


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Albay Governor Joey Salceda ngayong Linggo ng tanghali, February 22, sa Lancaster Hotel, Mandaluyong City, bago pa lumabas si Xian Lim sa The Buzz kaninang hapon.

Read: Xian Lim insists he is telling the truth: "Alam kong wala akong ginawa para ikagalit ng tao ng Albay."

Sabi ni Governor Salceda, may nagparating sa kanya ng impormasyong lalabas si Xian sa telebisyon para magbigay ng public apology.

Bago pa man ito ginawa ni Xian, nagpahayag na ang gobernador na tinatanggap nila ang paghingi ng tawad ng Kapamilya actor.

Saad ni Governor Salceda, “Kuwaresma naman, e. Kaya tinatanggap na namin ang public apology niya.

“Kung sincere ang apology niya, at talagang open at unconditional, tatanggapin namin kasi mababait naman ang mga Albayanon.”

Ngunit muling pinabulaanan ni Governor Salceda ang pahayag ni Xian na ipinapasuot sa kanya ang T-shirt na may tatak na “Albay.”

Ibinigay lang daw sa aktor ang mga regalong iyon na souvenir items na ibinibigay nila sa lahat na mga bisita.

Tinanggihan daw ni Xian ang T-shirt kaya yung coffee table book na lang ang ibinigay sa kanya.

Tinanggihan din daw ito ng aktor, at doon daw sinabi ni Xian na: “I’m not here to promote Albay.”

Sabi ni Governor Salceda, “Itong mga tao namin, tini-treat namin like a real tourist kaya nandiyan lahat, ‘tapos tinanggihan niya?

“Ano ‘yan, basura?

“Hinawi pa niya ang kamay ng chief of staff namin sa harap ng ibang staff.

“Alam mo naman sa ating mga Pinoy, tanggihan mo lang ang tagay pagdating mo sa kanto, tigok ka.”

Pero tinatanggap na raw nila ang paghingi ng tawad ni Xian.

PENANCE AFTER REPENTANCE. Ngunit bago nila tanggapin muli ang aktor sa Albay, kailangan pagbayaran daw muna nito ang nagawa niyang kasalanan sa kanilang mga taga-Albay.

Napangiting sabi ni Governor Salceda, “Ang repentance is not enough, kailangan may penance. Sinaktan niya ang tourism staff namin, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mag-Amazing Race siya sa Albay.

“Magsimula siya sa Polangui hanggang sa huli, umakyat siya sa Mayon at magpa-picture na giniginaw siya.”

Nilitanya ni Governor Salceda ang lahat ng gagawin ni Xian bago raw siya tanggapin uli sa kanilang lalawigan.

Ang buong akala namin, nagbibiro lang ang Albay governor, pero seryoso raw siya rito.

Hiningi namin sa kanyang chief of staff na si Atty. Carol Cruz ang listahan na dapat gawin daw ni Xian.

Narito ang kabuuan ng challenges na dapat pagdaanan daw ni Xian:

1. Visit Lake Danao in Polangui to appreciate the smallest fish, sinarapan.

2. Visit Oas Church, take a picture with the baptistry.

3. Visit the Gen. Simeon Ola Museum, in Guinobatan, Albay.

4. Visit the sunflower plants and Kawakawa hills, Ligao City.

5. Take picture in Cagsawa ruins.

6. Do the ATV in Mayon walls.

7. Visit the church on the hills, in Nuestro Porteria, Daraga.

8. Eat the sili ice cream.

9. Visit Lignon Hills overlooking the whole Albay.

10. Visit the Mayon rest house in Tabaco City.

11. Take picture of Vera falls and do the river tubing in Malinao.

12. Eat DJC halo halo and pray in Nuestra Senora de Salvaciob in Tiwi.

Sa ganung paraan ay lalong makilala raw ni Xian ang kabuuan ng Albay, dahil sinasabi naman daw ng aktor na taga-Goa, Camarines Sur ang kanyang ama.

Pero may pakiusap si Governor Salceda sa mga taga-ABS-CBN at sa lahat na rin ng TV networks na may mga hinahawakang artista.

Aniya, “I’m asking his manager, sa network na padaanin sila sa training on cultural sensitivity at tourism promotion ang kanilang mga artista at mga road managers.

“Wala namang assurance na hindi ito mauulit at wala na namang problema.”

Dagdag pa ni Governor Salceda, “I truly believe the responsibility of the celebrity power na 'power comes with really great responsibility.'

“They have the power to tell truth, the power to promote our culture. Importante sa akin yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN