Harry Potter star Emma Watson denies dating Prince Harry

by Erwin Santiago
Feb 23, 2015
No, it's not true. This was what Emma Watson basically said about the rumor that she is secretly dating Prince Harry.

Sinagot na ng Harry Potter star na si Emma Watson ang lumabas na balitang sikreto raw silang nagde-date ni Prince Harry ng England.

Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account (@EmWatson) ay pinabulaanan ng 24-year-old British actress ang kumalat na balitang nagde-date sila ni Prince Harry.

Sabi ni Emma: "WORLD ♥ Remember that little talk we had about not believing everything written in the media?!"

Continue reading below ↓

Dagdag pa niya, "also..... marrying a Prince not a prerequisite for being a Princess."

WORLD ♥ Remember that little talk we had about not believing everything written in the media?!

— Emma Watson (@EmWatson) February 22, 2015

also..... marrying a Prince not a prerequisite for being a Princess. https://t.co/vjodTAgEcC - Courtesy of Alfonso Cuaron.

— Emma Watson (@EmWatson) February 22, 2015

Nag-post din ang aktres ng link sa isang eksena ng 1995 movie ni Alfonso Cuaron na A Little Princess.

Marami ang nag-react sa balitang "secretly dating" sina Prince Harry at Emma dahil tila isa na namang fairytale romance ang masasaksihan ng publiko.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Pero para naman sa iba, mas gusto nila na ang makatuluyan ni Emma ay ang isang pang Harry—si Harry Potter, ang karakter na ginampanan ni Daniel Radcliffe sa Harry Potter movie series, kung saan gumanap namang Hermione Granger si Emma.

Last year ay napabalita ang pakikipag-break ni Emma sa kanyang dating boyfriend na si William Adamowicz, na nakilala niyang noong kapwa pa sila nag-aaral sa Oxford University sa United Kingdom.

Si Prince Harry, 30, naman ay ilang beses nang naugnay sa iba't ibang babae, ngunit dalawa lamang daw ang naging official girlfriends niya—ang Zimbabwean lawyer na si Chelsy Davy at ang aktres na si Cressida Bonas.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Prince Harry
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
No, it's not true. This was what Emma Watson basically said about the rumor that she is secretly dating Prince Harry.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results