Diether Ocampo promises to pay production staff in his indie film

“I will never run away from my responsibilities. We are already arranging a meeting with the staff to discuss and solve the matters at hand,” says Diether Ocampo about the accusation that he’s hiding from the production staff of the indie film he produced.


Nagbigay na ng pahayag ang aktor na si Diether Ocampo sa isyung hindi niya pagbayad diumano sa mga talent at production staff na naging bahagi ng kanyang ginawang independent film.

Noong December 2014, isang Facebook post ang nilikha ng freelance production manager na si Oniel Canary Parker para manawagan sa Kapamilya actor upang mabayaran ang mga taong nagtrabaho sa iprinodyus nitong pelikula, ang Bus.

Kumalat na ito sa social media, kabilang na ang pag-post sa Facebook ng assistant director na si Cris Aquino upang matulungan ang kanyang mga kaibigang naging bahagi ng proyekto.

Sa pahayag ni Diether, na nakuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng Star Magic, nangako ang aktor na hindi niya tatakbuhan ang mga taong naging bahagi ng Bus.

Aniya, “As the Executive Producer of TANDEM ENTERTAINMENT, I take full responsibility.

“There are matters beyond my control that led to this predicament.

“I will never run away from my responsibilities.”

Nabanggit din niyang kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan ang kanyang staff sa mga taong nagrereklamo upang maiayos ang isyu.

Sabi ni Diether sa statement: “We are already arranging a meeting with the staff to discuss and solve the matters at hand.

“I treasure the people behind the project and I would not allow them to suffer.

“I assure the staff that I will give what is due to them.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN