Vice Ganda on KathNiel fans: “Di na nga nagpasalamat, nagalit pa…”

Vice Ganda hits on some of the KathNiel fans for complaining about the short exposure of their idols, Kathryn Bernardo and Daniel Padilla, on the February 22, episode of Gandang Gabi Vice (GGV).


Umalma si Vice Ganda matapos magreklamo ang ilang fans ng tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla—mas kilala bilang KathNiel—dahil sa umano'y maiksing exposure ng dalawa sa episode ng Gandang Gabi Vice noong Linggo, February 22.

Sa kanyang Twitter post, sinabi ni Vice na hindi na nga nagpasalamat ang mga nasabing fans sa paggi-guest nina Kathryn at Daniel sa kanyang late-night show, nagalit pa ang mga ito.

May hashtag pa si Vice ng #HirapNyoIPlease.

Narito ang ilan sa tweet messages mula sa mga tagasuporta ng KathNiel na naglabas ng kanilang hinaing dahil sa umano’y maiksing segment ng kanilang favorite loveteam sa GGV.

Sa sumunod pang tweet ni Vice, nagpaliwanag siya kung bakit naging maiksi ang segment ng KathNiel sa nasabing episode.

Sa kanyang isa pang tweet message, sinabi ni Vice na nagpapakahirap ang buong team ng GGV para maghatid ng kasiyahan sa mga manonood, at nagpasalamat naman siya sa nakaka-appreciate ng kanilang efforts.

KARLA TWEETS. Nakiusap din ang ina ni Daniel na si Karla Estrada sa mga tagasuporta ng KathNiel sa pamamagitan ng Twitter.

Tweet ng aktres, dapat ay mas mauna ang magpasalamat kesa magreklamo.

Pinakiusapan din niya ang fans na iwasan ang makasakit ng damdamin.

Sinabi rin ni Karla na dapat ay magbigay ng respeto sa mga taong tunay na nagmamahal kina Daniel at Kathryn.

Kilalang malapit na magkaibigan sina Vice at Karla, samantalang very vocal naman si Vice sa pagsasabing mahal niya ang KathNiel.

Samantala, napansin ng KathNiel fans ang pag-alma ni Vice—na tinatawag din nilang "presidente"—at ang tweet message ni Karla kaya humingi ng paumanhin ang mga ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN