Daniel Matsunaga on Heart Evangelista-Chiz Escudero wedding: "They deserve each other and they look really happy."
by Rose Garcia posted on

Daniel Matsunaga is enjoying an easy relationship with Jason Abalos and his girlfriend Vickie Rushton, his housemate in PBB All In: “He knows that nothing happened between me and Vickie. It’s just a friendship talaga and Jason is really mabait, e."


Hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng reaksiyon si Daniel Matsunaga tungkol sa pahayag niya noon na si Heart Evangelista ang huling girlfriend niya at wala nang sumunod pa.

Nito lamang February 15 ay ikinasal na si Heart kay Senator Francis "Chiz" Escudero, at si Daniel naman ay tatlong taon na raw single.

Sabi ng actor-model tungkol sa pagpapakasal ni Heart, “I feel very happy for her.

"Yes, totoo. For Heart and Chiz.”

Wala yung pakiramdam na kahit paano ay may konting kurot sa kanyang puso?

Paniniguro ni Daniel, “No, wala naman.

"She was my girlfriend, pero long time ago, ‘di ba?

"You know, everything happens for a reason and God has His own way.

"He has different plans for our life, so I’m very happy for her. I’m very happy for Chiz.

“You know, they deserve each other and they look really happy.”


GOOD FRIENDS. Updated din naman daw si Daniel noong mismong araw ng kasal ni Heart sa Balesin dahil sa Instagram.

Bukod sa common friends nila na nagpu-post dito, pina-follow rin daw ni Daniel ang Instagram account ni Heart.

“I can see her pictures all the time. I saw all her pictures and they're nice naman.”

Pina-follow rin ba siya ni Heart?

“I guess, yes, we’re friends naman.

"When we broke up, we've had this friendship.

"In relationship naman, it’s all about the friendship.

"And good thing that we carry this friendship until now, we’re fine naman.”


STICKY ISSUE. Dahil mahigit isang taon din sila ni Heart, naitanong namin kay Daniel kung ano ang saloobin niya tungkol sa hindi pagdalo ng mga magulang ng aktres sa kasal nito.

May mga lumabas ding isyu noon sa pagitan ni Daniel at sa mga magulang ni Heart, pero hindi ito masyadong napag-usapan 'tulad ng kay Senator Chiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang sabi ni Daniel, "Well, I don’t know, I don’t know what to say!"

Ngunit dagdag niya, “You know, I think, as parents, you need to support sometimes.

"Well, I just wish them the best and God may act in their lives to be more understandable.

"Kasi family, e, dapat may pag-ibig, may pagmamahal.

"Sayang din, ‘di ba? Sana nandoon sila para masaya, sila, ‘di ba?"


JASON & VICKIE. Noong nasa loob pa ng Pinoy Big Brother house si Daniel, nagkaroon ng isyu sa pagitan nilang tatlo ni Jason Abalos at nng girlfriend nitong si Vickie Rushton.

Co-housemates sina Daniel at Vickie sa Bahay Ni Kuya.

Fast forward, magkasama ngayon sina Daniel at Jason sa ABS-CBN primetime series na Two Wives.

Wala bang ilangan sa kanilang dalawa ni Jason, lalo na ngayong magkasama sila sa isang teleserye?

Sagot niya, “Oh, we’re fine.

“He knows that nothing happened between me and Vickie.

"It’s just a friendship talaga and Jason is really mabait, e.

“Me and Vickie, we’re good friends, and even two days ago, we were at the birthday party of Fifth and Fourth Solomon.

"So, everything’s fine. Kami ni Jason, walang problema talaga.

“Maybe it was just a misunderstanding from people.

"No bad intentions from me. I really consider Vickie as a very good friend of mine.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN