Sunshine Cruz apologizes to daughters amidst VAWC complaint against Cesar Montano

Sunshine Cruz hopes her daughters will stay strong amidst legal battle with estranged husband Cesar Montano.


Humingi ng dispensa si Sunshine Cruz sa mga anak nila ni Cesar Montano dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa kontrobersiya tungkol sa kanilang kumplikadong buhay-pamilya.

Tila kaugnay ito ng reklamong paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act na inihain ni Sunshine laban kay Cesar.

Ito ay may kinalaman sa kabastusang ginawa diumano ng actor-director sa harap ng tatlo nilang anak na babae.

Martes ng madaling-araw, February 24, nang mag-post si Sunshine sa kanyang Instagram account ng larawan ng tatlo niyang anak na babae na sina Angeline Isabelle, Samantha Angeline, at Angel Francheska.

Kalakip nito ang caption kung saan hiniling ni Sunshine na manatiling matatag ang kanyang mga anak sa kabila ng problemang pinagdadaanan ng kanilang pamilya.

Pahayag ng Kapamilya actress: “Dear Tres Marias, I’m sorry things are bad now.

“Sorry… I know you girls are hurt.

“I promise things will get better soon.

“Please be brave and keep in mind mommy will be here for you all the time.

“Thank you for the love and for always trying your best to get good grades.

“I appreciate it mga anak. I really do.

“Mahal na mahal ko kayo…”

Bukod sa naturang caption ay mayroong palitan ng mensahe sina Sunshine at dalawa niyang anak na sina Samantha at Angeline, na parehong nagpahayag ng suporta sa kanilang ina.

Muli ring iginiit ni Sunshine na hindi niya ginustong lumabas sa media ang tungkol sa panibagong VAWC complaint na inihain niya laban kay Cesar, lalo pa’t may kinalaman ito sa kanilang tatlong anak na babae.

Ngunit kinailangan umanong ihayag ni Sunshine ang kanyang panig dahil ayaw niyang lumala pa ang isyu.

Ito ay sa kadahilanang matagal na itong usap-usapan sa “tabloids” bago pa lumantad sa Startalk ang legal counsel ng aktres na si Atty. Carlo Alentajan noong February 14.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag pa ni Sunshine sa isa niyang Instagram follower na kumukuwestiyon sa ginawang pagsasapubliko ng kampo ng aktres tungkol sa naturang VAWC complaint:

READ: Sunshine Cruz denies leaking latest complaint against Cesar Montano to media

Sa kabilang banda, inalmahan ng kampo ni Cesar ang alegasyon ni Sunshine at sinabing may kinalaman ito sa usapan ng mag-asawa tungkol sa hatian ng kanilang conjugal properties.

Kaugnay ito ng hiwalay na "annulment" case na isinampa ni Sunshine laban kay Cesar kamakailan.

Read: Cesar Montano camp on "masturbation" controversy: "It's just about the issue on property relations and the kids are just being used."

Ngunit iginiit ni Sunshine na walang kinalaman ang inihain niyang VAWC complaint sa usaping hatian ng ari-arian nila ni Cesar.

Ito ay sa kadahilanang mismong mga anak daw nila ang nagsumbong sa aktres tungkol sa insidenteng diumano'y gumawa ng kabastusan si Cesar.

Read: Sunshine Cruz lawyer claims property issue not related to new VAWC filed against Cesar Montano


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN