Toni Gonzaga wants a "traditional, clean and white, simple" wedding

Sa church daw nila sa Taytay, Rizal nais ni Toni Gonzaga na ganapin ang kanilang kasal ni Paul Soriano.


Tiniyak ni Toni Gonzaga na magaganap ang kasalan nila ng kanyang fiancé na si Paul Soriano ngayong taon, bagamat hindi pa niya masabi ang eksaktong araw nito.

“This year! This year!” bulalas ni Toni nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ABS-CBN studio, pagkatapos ng The Buzz, noong Linggo, February 22.

Dagdag ng TV host-actress, “Pero kasi, right now, medyo tambak…. loaded lang talaga ako sa trabaho kaya hindi ko pa mabigyan ng definite date.

“But definitely, this year.”

Sa church, garden o beach ba niya gusto magpakasal?

Natatawang sabi ni Toni, “A, siyempre, kung ako ang masusunod… at ako naman talaga ang masusunod, ‘no!

“Kasi baka si Mommy Pinty [Gonzaga, her mom] pa ang masunod, ‘di ba?

“Buong buhay ko, siya na ang nasusunod, e. Sana naman, sa araw na ‘to, ako ang masunod talaga!”

Saka sinabi ni Toni na sa "church" niya gustong ikasal.

Bakit?

“E, yun kasi ang naging foundation ng ano namin… relasyon.”

Sa simbahan ba kung saan very active ang kanyang mga magulang sa Taytay, Rizal o sa Alabang na pinaglilingkuran ng ama ni Paul at dating direktor na si Jeric Soriano bilang head pastor?

Sagot ni Toni, “Sa Taytay, siguro sa church ko talaga. Kung saan ako bininyagan, kung saan ako lumaki.”

Namanhikan na ba ang mga magulang ni Paul sa parents niya na sina Daddy Carlito at Mommy Pinty?

“Hindi pa, hindi pa. Malapit na. Pero inaayos na, definitely.”

Ano ang naiisip niyang maging concept ng kasal nila ni Paul?

“Ano lang ako, simple lang ako. Ano lang ako… actually, simple lang ako.

“I just wanted it to be traditional, clean and white, and simple. Yun lang.”

PRINCIPAL SPONSORS. May listahan na ba sila kung sinu-sino ang mga kukunin nilang principal sponsors?

“Nili-list pa lang namin. Nasa proseso kami ng planning.”

May specific number ba kung ilan ang kukunin nilang pares ng godparents sa kasal?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Toni, “Wala namang number.

“Pero yung talagang mga taong naging bahagi ng aming relationship ‘tapos na-inspire kami sa mga love stories.”

Kukunin din ba nilang ninong ang co-host niya sa The Buzz na si Boy Abunda?

Mabilis na sagot ni Toni, “Si Tito Boy, yes. Hindi ako puwedeng ikasal na wala si Tito Boy.”

Totoo bang nagprisinta si Gary Valenciano na maging wedding singer sa kasal nila?

“Talagang magiging part si Kuya Gary kasi sa concert kami ni Tito Gary nagkakilala. Siya [Paul] yung direktor,” paliwanag ni Toni.

Wedding singer lang si Gary sa kasal nila ni Paul?

“Hindi naman… Kung papalarin kami, siyempre gusto namin siyang maging godfather.”

Kukunin ba nilang ninong si President Noynoy Aquino?

“Hindi, busy si PNoy sa bansa natin.”

Si ex-President and now Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na malapit sa kanyang ama?

“Tingnan ko… tingnan ko pa.

“Actually, wala pa talagang final list.

“So, mahirap naming pangunahan ko yung announcement.

“Gusto ko kasi personal naming silang masabihan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN