Isabel Oli reveals crying while fitting her wedding dress

Isabel Oli on fiancé John Prats: “Siya yung boyfriend ko na gustong lagi kaming sabay mag-pray every night. Kaya sabi ko, ito na yun, siya na nga. Kasi importante sa akin na God-fearing.”


Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng aktres na si Isabel Oli at ng kanyang fiancé na si John Prats para sa nalalapit nilang kasal.

Mali nga raw ang unang akala ni Isabel na madali lang ang proseso ng pagpapakasal. Napakumplikado at stressful pala raw nito.

Sabi ni Isabel sa panyam niya sa The Tim Yap Show ng GMA Network, "My gosh, parang ibang experience!

“It's fun but it's kinda stressful.

"Sobra, ang dami palang gagawin, akala ko gown lang ang problema ko dito.

"Yun pala, madetalye, ang daming nangyayari, yung preparations.

“Pero masaya… sobrang saya!”

Patuloy pa niya, "Yung checklist ko nga, sobrang kapal, akala ko ganun lang kadali, hindi pala.



"Nandun pa yung budget, yung ganun… ‘buti na lang hindi sa akin yun!

“’Tapos kaming dalawa [ni John], nagpi-Pilates kami para mag-trim down, ‘tapos tumatakbo para lang mag-tone, para pumayat.

"May mga seminars kaming ina-attend-an… ang dami nun!”


FITTING OF WEDDING GOWN. Ikinuwento rin ni Isabel ang naramdaman niya habang sinusukat ang kanyang wedding gown.

“At first, naiyak talaga ako.

“I don’t know… sabi nga nila, nagpi-fit lang ako ng gown, umiiyak na… siguro ganun talaga.



"Kasi I wore ten wedding gowns sa fashion shows at pictorial, ‘tapos sa teleserye, yung ganun.



"’Tapos nung nasuot ko [yung talagang wedding gown ko], parang, 'My God, ako na ‘to, akin ‘to!’

“So, grabe, iyak talaga ako.

"Sabi naman ng nagsukat sa akin, it’s normal, ganun daw talaga.

“Sabi ko nga, ‘I’m happy naman, bakit ako naiiyak?’”


PLANS AFTER THE WEDDING. Ayon kay Isabel, plano nila ni John na magkaanak agad pagkatapos nilang ikasal.

"Kids agad!” bulalas niya.

“Plano kasi namin, four kids.

“Excited kami sa mga babies, gusto namin four or five.



"Sila John kasi, five silang magkakapatid. Kami naman ay seven.

“So, kaya gusto namin ng four or five… konti pa nga yun!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya kung dalawa lang, parang ang lungkot, or tatlo...

“Yung four nga, ang konti na nun, e.

"Masaya kasi kung marami sila sa bahay. Medyo magulo, pero alam kong magiging masaya.”

Magiging hands-on mom ba siya?

Sagot ni Isabel, "Siguro kukuha kami ng yaya, pero taga-assist lang.

“Pero ako pa rin yung mag-aasikaso sa mga anak namin.

"Gusto ko, ako talaga yung magpapaligo at magpapakain ng baby.

"Yung yaya yung kukuha ng mga bagay na kailangan ko for the baby."

HONEYMOON. Saan naman nila balak mag-honeymoon pagkatapos ng kasal?

Ayon kay Isabel, "Pingpipilian pa namin kung Europe o Hawaii.”

May wish ba siya bago sila ikasal ni John?

"Mababaw lang, e, gusto ko lang makapag-pictorial kami ni John.

"Kasi never pa kaming nag-pictorial na kami together.”

Natatawang dagdag niya, “Dapat kakaiba… not naman nude, hindi ko kaya yun!

"Basta parang kakaiba, parang yung Hangover [movie], kakagising lang, yung naka-white ka lang, yung mga ganun.

"Medyo sexy, yung ganun.

“Bale nag-start na kami mag-pictorial.

"Yung una sa US, ‘tapos may dalawa na lang dito sa Pilipinas."

RIGHT GUY FOR HER. Kailan niya na-realize na si John ang lalaking nararapat para sa kanya?

Saad ni Isabel, "Actually, nung nanliligaw pa lang siya, sinasabi ko sa sarili ko na sana siya na.

"Kasi ‘pag may boyfriend ako, lagi ko sinasabi na sana ito na, parang ganun.

“Kaya yung kay John, sabi ko sa sarili ko na dapat maingat na ako, kasi naka-apat na rin akong boyfriend.

"So, pinahirapan ko talaga si John.

“Minsan hindi ko sinasagot yung call niya, tinitingnan ko lang. Hindi ko siya tini-textback.”

Paglilinaw ng aktres, “Hindi naman sa pinaglalaruan ko siya that time, tini-test ko na lang talaga.

"O kaya, minsan nasa location shoot ako, out of town, 'tapos sasabihin niya na pupunta siya at dadalhan niya ako ng pagkain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sinasabi ko, ‘O, sige, punta ka…’

“Kinu-call ko, tingnan ko lang kung makakarating ka. Kasi nga, ang layu-layo.



"Ako naman, nakita ko yung pagiging sincere niya sa ginagawa niya.

“Kapag nasa church kami, nakikinig siya, hindi siya natutulog. Yung iba kasi, tulog talaga.

“Siya yung boyfriend ko na gustong lagi kaming sabay mag-pray every night.

"Kaya sabi ko, ito na yun, siya na nga.

“Kasi importante sa akin na God-fearing.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN