Sheryl Cruz feels complete despite being loveless

Shery Cruz on the qualities she likes in a man: “Siyempre, maganda rin naman siguro yung presentableng tingnan, ‘di ba? Gusto ko rin, matangkad. At mas gusto ko rin kasi, somebody who actually have his own profession. At saka yung mahal ang mga kapatid niyang babae.”


Matagal-tagal na ring single si Sheryl Cruz. Pero hindi raw ito dahilan para hindi siya maging kuntento at masaya sa buhay niya ngayon.

Naging masaya rin daw ang selebrasyon niya ng nakaraang Valentine’s Day kahit wala siyang lovelife.

Lahad ni Sheryl, “Ang Valentine ko ay punung-puno ng saya dahil, unang-una sa lahat, kasama ko ang anak kong si Ashley.

“Pumunta kami sa napakaraming tao na Eastwood sa Libis. Ang saya-saya ng lugar kasi buhay na buhay.

“So, nag-dinner kami doon.

“’Tapos biglang dumating ang dalawa kong pamangkin na sina Alexandra at Sophia, na anak ng kapatid kong si Wowie [Cruz].

“Sila yung kumumpleto ng Valentine’s Day ko.

“’Tapos nakakuha rin ako ng mga presents sa mga fans ko na nagmamahal.

“Natutuwa ako na nandiyan pa rin sila. And I’d like to thank all the Sherylians for their support.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sheryl sa Jade Valley Restaurant, sa Quezon City, noong Sabado, February 21.

FINDING MR. RIGHT. Kailan ba siya muling magmamahal?

“Siguro malalaman ko na lang kapag dumating na siya!” natatawang sagot ni Sheryl.

Ano ba ang hinahanap niyang mga katangian sa lalaking susunod niyang mamahalin?

Sagot ng aktres, “Siyempre, maganda rin naman siguro yung presentableng tingnan, ‘di ba?

“Gusto ko rin, matangkad.

“At mas gusto ko rin kasi, somebody who actually have his own profession.

“At saka yung mahal ang mga kapatid niyang babae.”

Paliwanag niya, “Kapag mapagmahal sa mga babaeng kapamilya niya, magkakasundo kami.

“Kasi alam ko na rerespetuhin niya ako at mamahalin katulad ng pagmamahal niya sa mga babae niyang family.”

May mga nagpaparamdam ba sa kanya ngayon?

“Marami naman, pero parang nai-intimidate sila.

“E, hindi naman ako nangangagat!” natawang biro niya.

ON BREAK. Pagkatapos ng teleseryeng Strawberry Lane, pinili muna raw ni Sheryl na sandaling magpahinga.

Ito raw ang dahilan kung bakit hindi niya tinanggap ang panibagong seryeng inalok sa kanya ng GMA Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Sheryl, “Pero visible pa rin naman ako, hindi ako nawawalan ng TV gusetings.

“I want to concentrate muna kasi sa pagpu-promote ng album ko. Marami akong naka-schedule na mall tour at out of town shows."

Ang tinutukoy na album ni Sheryl ay ang Sa Puso Ay Ikaw Pa Rin, released by Universal Records and produced by Mon del Rosario.

“Meron akong dalawang compositions dito.

"Isa yung 'Mananatili Ka' and the other one ay yung 'The Last To Know' na ni-record ko kasama ang pinsan kong si Sunshine [Cruz]."

May isa pa raw gustong gawin si Sheryl. Ito ay ang maging isang radio talent o sumabak sa radio drama programs.

Kuwento niya, “May nag-offer na sa akin at pinag-iisipan ko ngang i-consider.

“Kasi yung Auntie Susan Roces ko was a rdio talent also before.

"At maganda nga ring training ‘yon for an actor like me.

“Kasi hindi lamang boses yung ginagamit sa pag-aartista, 'di ba? Pati voice acting, kailangan din iyon.

“Maganda rin 'yon kasi kahit naririnig ka ng tao sa radyo lang, naipaparamdam mo naman yung emosyon.

"So, mas makakatulong pa siya sa kung ano ang alam ko bilang isang artista.

“Kaya gusto kong subukan din. Maganda iyon na oportunidad."

Gusto rin daw subukan ni Sheryl na makagawa ng isang indie film.

“Actually, nagsabi na ako sa manager ko na gusto ko ring mag-indie.

"Feeling ko, nasanay sila na napapanood ako sa mainstream, ang ano siguro nila is baka hindi ko tanggapin.

“It depends upon the storyline. And mapag-uusapan naman yung budget,” pahayag ni Sheryl.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN