Sheryl Cruz on legal battle between cousin Sunshine and Cesar Montano: "I have faith in the way Sunshine parents her children."

Sheryl Cruz: "I have faith in the way Sunshine parents her children. Nakikita ko naman ‘yon. Because I’m also a mother, I’m also a parent. Hindi sa I’m taking sides kundi… hindi naman din siguro ibibigay sa kanya ng court ang custody kung hindi naman din siya capable na mag-alaga ng mga anak niya. But I’m sure din naman, na yung tatay din naman nila ay mahal na mahal sila."


Hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng pahayag si Sheryl Cruz tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ng kanyang pinsan na si Sunshine Cruz.

Ito ay kaugnay ng panibagong reklamo na inihain ni Sunshine laban sa kanyang estranged husband na si Cesar Montano.

Direktang sangkot dito ang tatlong anak na babae nina Sunshine at Cesar na diumano’y nagsumbong sa aktres ng malaswang ginawa ng kanilang ama sa harapan nila.

Read: Sunshine Cruz denies leaking latest complaint against Cesar Montano to media

Pahayag ni Sheryl, “Matatalino yung mga pamangkin ko.

“At saka I have faith in the way Sunshine parents her children.

“Nakikita ko naman ‘yon. Because I’m also a mother, I’m also a parent.

“Hindi sa I’m taking sides kundi… hindi naman din siguro ibibigay sa kanya ng court ang custody kung hindi naman din siya capable na mag-alaga ng mga anak niya.

“But I’m sure din naman, na yung tatay din naman nila ay mahal na mahal sila.”

Gaya nina Sunshine at Cesar, sa hiwalayan din humantong ang pagsasama ni Sheryl at ng dati niyang asawa na si Norman Bustos.

Kaya alam daw ni Sheryl kung ano ang pinagdadaanan ng kanyang pinsan.

“It’s a complicated situation na hindi mo gustong pagdaanan ng kahit na sino.

“Kaya I would like to wish everyone na sana hindi nila maranasan ang kahit na anong experience na napagdaanan ko or ni Sunshine.

“Kasi, it’s really difficult for the kids,” saad niya.

Matagal na raw naka-move on si Sheryl matapos silang maghiwalay ni Norman.

“We’re just not meant to be. We’re still civil for our daughter,” pagtukoy niya sa anak nila ni Norman na si Ashley.

SHERYL’S COUSINS. Kumusta ba sila ni Sunshine ngayon?

Ayon kay Sheryl, “Okey kami. Okey naman kaming magpinsan.

“At saka nagti-text kami palagi sa isa’t isa. Regular yung communication namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagku-confide siya kapag masaya siya o malungkot, but mostly ay puro masaya naman yung pinagkukuwentuhan namin.

“At saka masaya na rin ako na nakilala ko yung mga pamangkin ko,” pagtukoy niya sa mga anak nina Sunshine at Cesar.

Dagdag ni Sheryl, “Ang gaganda nila at saka napaka-talented. Nakikita ko yung musical talent.

“Kasi meron siyang anak na nagpi-piano, meron siyang ang galing mag-second voice.”

Nagkikita at may komunikasyon din ba sila ng dalawa pa niyang pinsan na sina Geneva Cruz at Donna Cruz?

Ayon kay Sheryl, “Si Geneva, hindi ko pa siya nakikita lately.

“Pero nakita ko yung parents niya once nung nagkaroon ng party sa isang uncle ko.

“Si Donna naman, nagkasama naman kami sa cover ng Mega Magazine na lumabas noong November.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN