Mike Tan willing to take risks to level up his career

Pangarap ni Mike Tan na makagawa ng mga dekalidad na proyekto para naman daw mapatunayan niyang mayroon naman siyang ibubuga pagdating sa pag-arte. Excited na rin siya sa bago niyang proyekto sa GMA kasama ang Primetime Queen na si Marian Rivera.


Sa edad na 28, gusto na raw mag-level up ng Kapuso actor na si Mike Tan pagdating sa kanyang acting career.

Kaya naman, um-attend siya, kasama ang ilan pang GMA artists, ng Royal Academy for Dramatic Arts (RADA) method workshop na ginawa sa ilalim ng Philippine Educational Theater Association (PETA).

Kabilang sa Hollywood celebrities na sumailalim sa RADA workshop ay sina Ralph Fiennes, Allison Janney, at Anthony Hopkins.

Ani Mike, “Gusto kong makagawa ng isang magandang movie na may role na parang may Down syndrome para makita ng mga tao kung ano yung mga pinagdadaanan nila.

"Malaking challenge yun para sa akin.

“Gusto ko rin ng mga role na psycho killer, yun ang mga roles na gusto ko i-portray. Yung mahirap talagang gawin.

“Though challenging yung mga heavy drama, pero I want something more. Yung mahirap gawin, physically and emotionally.

“Gusto ko talaga siyang gawin at alam ko sa sarili ko na makakaya ko siyang gawin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mike sa espesyal na bonding treat ng GMA Artist Center sa ilang piling miyembro ng entertainment press nitong Martes, February 24, sa Loreland Farm Resort, Antipolo City, Rizal.


FRONTAL NUDITY. Dahil gusto niyang may mapatunayan sa kanyang acting career, willing ba siya to take risks? Halimbawa, role sa isang indie film na kinakailangang mag-frontal nudity?

Saad pa ng Ultimate Male Survivor ng StarStruck Batch 2, “Kung part talaga, maganda yung script, bakit hindi? Kasama ‘yan sa trabaho.”

Pero bawi niya, “Depende siguro sa script. Yun ang masasabi ko.

"Pero ang sa akin nga, ito yung pinasok kong trabaho, e.

"Pero siguro naman, may right akong mamili ng script kung ano yung gusto kong gawin.

“Pero kung sa tingin ko, worth it talaga gawin yun at kailangan talaga sa script, bakit hindi, ‘di ba?

"Ang pangit din naman kasi na hindi naman sa ano… hindi naman siya kailangan and yet gagawin mo para makakuha kayo ng manonood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang sa akin kasi, laging parang yung ano muna, yung movie muna. Yung quality muna bago yung perang papasok.

"Ewan ko kung applicable pa 'yan sa Pilipinas."

NEW PROJECTS. Sa ngayon, may mga proyekto raw ang GMA na inihanda para sa kanya.

Magiging guest star siya sa teleserye ni Dingdong Dantes na Pari ‘Koy.

Sa darating daw na Lunes, March 2, magkakaroon naman sila ng storycon para sa kabibilangan niyang bagong primetime series, ang The Rich Man’s Daughter na pagbibidahan ni Marian Rivera.

Ang alam pa lang daw niya sa ngayon, gaganap siyang kapatid ni Marian, na gaganap bilang si Jade, isang babaeng iibig sa kapwa-babae.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN