Ervic Vijandre reveals reason behind breakup with Ariella Arida: “Magkaiba kami ng religion.”

Gusto munang mag-focus ng 29-year-old model-actor na si Ervic Vijandre sa kanyang acting career. Paninindigan daw niya ang kanyang pagpasok sa industriya bilang artista.


November 2014 nang lumabas ang balitang hiwalay na si Ervic Vijandre at si Miss Universe Philippines 2013 na si Ariella Arida.

Ito ay sa kabila ng hindi kailanman umamin ang dalawa tungkol sa kanilang relasyon.

At nang umamin si Ervic na break na sila, hindi nito sinabi ang dahilan.

Read: PEP EXCLUSIVE. Ervic Vijandre admits breakup with Ariella Arida

Maging si Ariella ay umiwas ding pag-usapan ang hiwalayan nila ng Kapuso actor.

Read: Ariella Arida evasive about real reason for breakup with Ervic Vijandre: “Masasabi ko lang talaga I’m happier now.”

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ervic, inusisa namin ang binata kung ano ba talaga ang dahilan ng breakup nila ni Ariella.

Sagot nito, “Yun nga, may kanya-kanya kaming direksiyon sa buhay. Maraming conflicts.

“Magkaiba kami ng religion.”

Hindi na nagdetalye pa ang binata sa iba pang dahilan ng kanilang breakup.

Nakausap ng PEP si Ervic sa espesyal na bonding treat ng GMA Artist Center sa ilang piling miyembro ng media kahapon, February 24, sa Loreland Farm Resort, Antipolo City, Rizal.

Bukod kay Ervic, kasama rin sa mga Kapuso artist na nakisaya sa swimming, massage, at romantic dinner sina Mike Tan, Benjamin Alves, Jeric Gonzales, at Pancho Magno.

(Photo by Arniel C. Serato.)

CHOICE TO BE SINGLE. Single ngayon si Ervic. Mas gusto raw muna niyang walang lovelife para mapagtuunan ang kanyang showbiz career.

Saad pa ng 29-year-old model-actor, “Choice ko 'tsaka ayoko nang hanapin.

“Kung dumating, thankful ako.

"Pero ngayon, sinabi ko, dahil habang wala, career muna.

“Focus muna ako sa trabaho.”

Bukod kay Ariella, naging girlfriend din ni Ervic mula sa showbiz sina Marian Rivera at Rich Asuncion.

Nang hingan ng mensahe para kay Marian, na ikinasal kay Dingdong Dantes noong December 30, matipid na sabi ni Ervic: “Congratulations.”


FULL-BLAST ACTOR. Mula sa Mercator Artist and Model Management, Inc., lumipat si Ervic sa GMA Artist Center noong 2014.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawa niyang sabi, “Kasi, magpu-full blast na ako sa acting career.

“Nahiya ako. ‘Tsaka, gusto ko officially maging Kapuso.

“Ako kasi, gusto kong paninidigan itong pag-aartista ko.”

Sa kasalukuyan, kasama si Ervic sa afternoon soap ng GMA na Kailan Ba Tama Ang Mali.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN