Jennylyn Mercado downplays rumored romance with Raymart Santiago

Jennylyn Mercado on Raymart Santiago: "Ako, iyon lagi ang sinasabi ko, na hanga ako sa dedikasyon niya sa trabaho niya. Na kahit ano ang mga intrigang dumarating sa buhay niya, kapag nasa trabaho, trabaho."


Marami ang nakakaobserba na nagiging totohanan na raw ang sweetness nina Jennylyn Mercado at Raymart Santiago sa set ng GMA primetime series na Second Chances.

Ayon pa sa ilan, on-cam at off-cam ay tila may nabubuo nang maganda sa pagitan ng dalawa.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jennylyn ay tinanong namin siya kung totoong nagkakadebelopan na sila ni Raymart.

Sagot ng Kapuso actress, “Siguro ginagawa lang naming nang maayos ang trabaho namin.

“Kung maganda man ang pakikitungo namin sa bawat isa kapag nasa set kami, kapag may taping kami, iyon ay dahil sa magkaibigan naman kami ni Raymart, at iyon nga, magkasama sa trabaho.”

VALENTINE CONCERT. May balita ring kaya hindi nag-guest si Raymart sa Valentine concert ni Jennylyn noong February 13 sa SM Skydome—ang Oo Ako Na, Ako Na Ang Mag-isa! Samahan Nyo Naman Ako—ay para maiwasan nitong makita ang ex-boyfriends ng actress-singer na sina Mark Herras at Dennis Trillo, na guests sa show.

Totoo bang nagselos si Raymart kaya wala ito sa concert niya?

Natatawang sagot ni Jennylyn, “May ganoong tsika? Ano ba, walang ganun!

“Hindi lang talaga siya naka-lineup as guest sa concert ko, kasi hindi naman siya kumakanta, hindi siya sumasayaw.

“Action star yun!”

May usap-usapan ding sila raw ni Raymart ang magkasama noong Valentine’s Day. Gaano ito katotoo?

Tawa na naman ni Jennylyn, “Noong Valentine’s, actually nung eve ng Valentine’s Day, napakarami kong ka-date—lahat ng nanood ng concert ko!

“At nung Valentine’s Days mismo, kami ng anak ko [Alex Jazz] ang nag-bonding.”

May mga nadiskubre ba sila ni Raymart sa ugali ng bawat isa habang tumatagal ang pagsasama nila sa taping ng Second Chances? Ano ang mga iyon?

Ayon sa aktres, “Ako, iyon lagi ang sinasabi ko, na hanga ako sa dedikasyon niya sa trabaho niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na kahit ano ang mga intrigang dumarating sa buhay niya, kapag nasa trabaho, trabaho.

“Kapag nasa harap kami ng kamera, sa set ng Second Chances, siya si Bernard, hindi siya si Raymart Santiago.

“Ako naman, sa harap ng kamera, ako si Lyra, hindi ako si Jennylyn.”

TRENDING TOPIC. Sa social media, partikular na sa Twitter, madalas mag-trending sina Jennylyn at Raymart.

Maraming fans and supporters ng Second Chances at ng dalawa mismo ang nagkakaisa sa pagsasabing bagay sila; na sana ay mauwi na raw sa totohanan ang onscreen romance nila.

Ano ang reaksiyon dito ni Jennylyn?

“Nakakatuwang malaman ‘yang mga ganyan na opinyon at obserbasyon ng mga tao.

“Ibig sabihin, pareho kaming nagagawa namin nang maayos ang trabaho namin.

“Na kung ano ang hinihingi mula sa amin para sa bawat karakter namin, nagagawa namin nang tama.

“Hindi lang naman kami ni Raymart, lahat kami—si Camille [Prats], si Rafael [Rosell], lahat sa cast,” saad ni Jennylyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN