Diego Loyzaga on latest controversy involving dad Cesar Montano: "I’m sure this is something na lilipas din."

Diego Loyzaga on dad Cesar Montano: “Kilalang-kilala ko ang tatay ko, mahal na mahal ko ang tatay ko.”


Bilang anak ni Cesar Montano sa aktres na si Teresa Loyzaga, hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News ng reaksiyon si Diego Loyzaga tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanyang ama.

Ito ay may kaugnayan sa panibagong reklamong paglabag sa Violence Against Women and their Children Act o R.A. 9262 na inihain ng misis ni Cesar na si Sunshine Cruz laban sa aktor.

Pahayag ni Diego, “Mahal ko ang tatay ko, yun lang ang masasabi ko.

“Iyan ang palabas ninyo... mahal na mahal ko ang tatay ko, kilalang-kilala ko ang tatay ko.

“Wala akong sasabihin sa mga issues na ‘yan.”

Ayon kay Diego, regular silang nagkikita at nagba-bonding ng kanyang ama.

Ulit pa niya, “Kilalang-kilala ko ang tatay ko, mahal na mahal ko ang tatay ko.”

Positibo ang young actor na malalagpasan ng ama ang mabigat na problemang kinahaharap nito ngayon.

“My dad is a strong man naman.

“I think, kayang-kaya niya ito sa lahat ng mga naranasan na niya sa buhay.

“I’m sure this is something na lilipas din.

“Basta nakikita ko siyang masaya, okay naman sa akin, hindi ko siya tatanungin.”

Nakapanayam namin si Diego sa 20th anniversary ng ASAP sa MOA Arena, noong Linggo, February 22.

Samantala, pinabulaanan ni Diego ang napabalita noon na sa sobrang pagkaselosa ni Sunshine, pati raw siya ay pinagselosan nito nang tumira ang young actor sa bahay ng kanyang ama at ng aktres.

Sabi ni Diego, “Hindi yun totoo. Pinagtatawanan naming dalawa.

“Magkasama naman kami lagi. Mamaya, after this, magmu-movie kami, magsisimba kami.

“Sunday’s family day with my dad. Every week, nagkikita kami.”

Close ba siya kay Sunshine?

Pag-amin ni Diego, “A, hindi masyado. Hindi… hindi po kami close.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN