Alex Gonzaga on engagement of sister Toni: “Naka-move on na po ako.”

Alex Gonzaga jokes about engagement of sister Toni Gonzaga and Paul Soriano: “Nakaka-move on na po ako. Parang gusto ko na magpakasal na sila agad.”


Muling nilinaw ni Alex Gonzaga na hindi siya nag-overreact noong mag-propose sa kapatid niyang si Toni Gonzaga ang longtime boyfriend nitong si Paul Soriano.

Sa press conference ng upcoming concert niyang The Unexpected Concert, nitong Huwebes ng gabi, February 26, sinabi ni Alex na gusto lamang niyang ma-capture ang moment ng pagpo-propose ni Direk Paul sa kanyang ate kaya siya tila nagwawala.

Depensa ng nakababatang kapatid ni Toni, “Hindi naman po ako nag-OA.

"Ang expression ko po, 'Ay, hindi! Ay, hindi!'

“At saka ang gusto ko po talagang kunin ay yung cellphone kasi pipiktyuran ko sila.

“E, nandun sila sa may pintuan ng kuwarto namin, hindi ko makuha, kasi pinipigilan ako ni Direk Paul.

“So, nagalit yung daddy ko. Nakita ko yung cellphone ng ate ko, kinuha ko.

“'Tapos nakita ko, hindi ko pala na-record kasi sobrang kinikilig ako, 'Ay, naku, hindi ko pala na-record!'

“So, noong na-record ko na, nakatayo na si Direk Paul.”

Biro pa ni Alex, “Pero dahil po sa akin, nagkaroon sila ng souvenir. Pero siyempre, hindi niyo nalaman 'yan.

“Ngayon lang, at least nasiwalat na, na dahil sa akin, nagkaroon sila ng souvenir na litrato doon sa engagement nila.

“Ayaw ko na po kumuha ng credit, pero 'yon po ang nangyari.”

FIRST TIME APART. Naging seryoso naman ang The Voice co-host nang mapag-usapan ang paghihiwalay nilang magkapatid kapag nagpakasal na sina Toni at Paul.

Ayon kay Alex, “Sa totoo lang naman po talaga, I think, wala nang iba pang makakaintindi sa akin.

“Kasi ako, for 27 years, kasama ko talaga ang ate ko sa isang kuwarto. Kung 'di man po isang kuwarto, isang CR.

“Sa ngayon, magkahiwalay kami, pero may connecting door po kami.

“So, for 27 years, siya na po ang kasama ko, ang kilala ko.”

Ang pinakamatagal daw na paghihiwalay nilang magkapatid ay nang pumasok si Alex sa Pinoy Big Brother noong nakaraang season.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, parang iniisip ko pa lang na hindi ko na siya makikita every day sa bahay, hindi na ako ang priority niya, hindi na kami yung laging magkasama, kasi siyempre may sarili na siyang pamilya, nagpa-palpitate po ako.

“Pero kinakaya ko po.

“Minsan sine-send ko sa kanya, umiiyak ako. Sine-send ko yung mata ko na mugto.

“Sabi ko, 'Ate, look at what you're doing to me.'

"Sabi niya, ang OA ko raw."

Sa ngayon, unti-unti na raw natatanggap ni Alex ang mangyayari kapag nagpakasal na ang kanyang ate.

Biro pa niya sa huli, “Ngayon, parang nakaka-move on na po ako. Parang gusto ko na magpakasal na sila agad.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN