Maja Salvador on marriage plans with boyfriend Gerald Anderson: “Malabo pa!”

Masaya si Maja Salvador sa maraming blessings na dumating sa kanyang buhay at karera. Kaya naman daw malabo pa sa kanila ng nobyong si Gerald Anderson ang usaping pag-aasawa.


Hindi makapaniwala si Maja Salvador na siya ang binanggit ng Broadway Diva at The Voice of the Philippines coach na si Lea Salonga bilang female celebrity na may pinakamagandang mukha sa Philippine showbiz ngayon.

Noong nakaraang Disyembre, sa Twitter kung saan may idinaos si Lea na @askCoach Lea session sa kanyang followers, may isang nagtanong kung sino ang paborito niyang local female celebrity na may magandang mukha.

Sagot ni Lea, “Maja Salvador. I’ve loved that face since she was 17.”

Kagabi, Biyernes, February 27, sa presscon ng bago niyang endorsement na Sisters Sanitary Napkin and Pantyliners, natanong si Maja tungkol sa pagpuring iyon ni Lea sa kanya.

Saad ng 26-year-old Kapamilya actress, “Hindi ako makapaniwala pero sobrang thank you.

“Sabi ko nga baka nabobola ko lang kasi si Miss Lea, kunyari close kami. Nagkasama kasi kami sa show sa Kapamilya show sa U.S. dati, 'tapos medyo nagpaka-friendly ako dun, nagpaka-feeling close ako.

“Pero siyempre coming from Miss Lea, thank you, Miss Lea na talagang galing pa sa inyo na hindi rin tumatanda, ‘di ba? Na lalong paganda din nang paganda, salamat po.”

Kung siya naman ang papipiliin ng most beautiful face sa local showbiz, sino naman kaya ang babanggitin niya?

“A, local? Yung napapangiti talaga ako… Iba kasi yung charming ni ano e, ni Sarah… Sarah Geronimo.

“'Tapos si Miss Dawn Zulueta.

“Actually, fan din naman ako ni Sarah, e. Lalo na yung loveteam nila ni John Lloyd [Cruz]. Kasi 'pag nakikita mo siya, may iba siyang aura na naibibigay sa 'yo na parang yung magaan lang.”

STRONGER RELATIONSHIP. Nitong nakaraang Valentine’s Day, hindi nakapag-celebrate sina Maja at boyfriend na si Gerald Anderson. Sa halip, dinaan ng dalawa sa Instagram ang pagpapakita ng kanilang pagmamahalan.

Nasa ibang bansa kasi noon si Gerald para sa nauna nang natanguang commitment.

Paano nga ba nila ito ipinagdiwang pagbalik ng nobyo sa bansa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron kasi siyang flight going to Malaysia nun. So bago naman yun, nag-gym muna kami and lunch and then pumunta na siya ng airport." saad ni Maja.

Maraming nagsasabi na napaka-cool ng relasyon nila, paano nga ba nila pinapanatili ang matibay nilang samahan?

“Sabi ko nga sa isang magazine interview ko na siguro isisikreto ko na lang. Ipagdadamot ko na lang yun," sagot ng Kapamilya actress.

Napag-usapan na kaya nila ang tungkol sa pagpapakasal?

Aniya, “Madami pa kaming plano sa buhay. May kanya-kanya pa kaming mga pangarap, individually, may kanya-kanya pa kaming gusto na marating… so malabo pa.”

Sa ngayon daw, thankful si Maja na maganda ang pasok ng taong 2015 sa kanya, dahil bukod sa bago niyang endorsement, ipapalabas na rin ang bago niyang seryeng Bridges of Love, at tinatapos na rin nila ang shooting ng pelikula niya with Dennis Trillo na Still the One.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN