Jam Sebastian regains consciousness; mother asks bashers to stop spreading death rumors online

Post mula sa Facebook page ng Jamich: "Gising si Jam ngayon. Nakakausap namin siya and mas alive siya ngayon. Cool! Nakakapag sulat siya ulit. And nakaka type sa phone. And mas nakakapag interact siya samin ngayon compared sa kahapon. Thank you sa prayers niyo Loves! - Mich"


Nagising at may malay na ulit si Jam Sebastian matapos maging unconscious mula nung Huwebes, February 26.

Dumagsa tuloy sa Internet ang maraming posts at pakiusap ng dasal para kay Jam ng fans nila ng kasintahan na si Paolinne Michelle Liggayu.

Read: JAMICH photos flood the net

Sa Facebook account ng JAMICH makikita ang naka-post na magandang balita tungkol kay Jam.

“Gising si Jam ngayon.Nakakausap namin siya and mas alive siya ngayon. Cool! Nakakapagsulat siya ulit. And nakaka type sa phone. And mas nakakapag interact siya samin ngayon compared sa kahapon. Thank you sa prayers niyo Loves!
-Mich”

Photo: Jamich's Official Facebook

Kamakailan lang nakapagsulat pa raw ng maikling mensahe si Jam, sa isang papel sinulat ng binata ang 'I love you' na may smiley face na gusto raw iparating ni Jam sa lahat.

Photo: Jamich's Official Facebook

Nakausap ng Startalk ang ina ni Jam na si Maricar Sebastian.

Ayon sa ina ni Jam, "Actually kinausap na kami ng doctor, i-stop na daw namin kasi kawawa lang. Papa'no ko naman ii-stop kung 'pag tinatanong ko siya, ‘Anak hirap ka na ba? Laban pa tayo?’ Oo daw. 'Pag sinabi ko, thumbs up, nagta-thumbs up talaga siya. So papa'no ko siya ili-let go kung alam mong nagri-response pa siya?

"Parang ang hirap naman na gusto niya pa mabuhay at ako mismo yung magdidesisyon mismo na i-let go siya. Parang wala naman sigurong inang papayag ng ganun. So hope ko pa rin na kahit paunti-unti yung miracle, sana mangyari."

"Ngayon naka-ventilator na siya. Supposed to be ilipat na siya sa ICU [Intensive Care Unit], ang sabi ko yung machine na lang ilagay sa room namin kasi 'pag nasa ICU, hindi na siya puwede dalawin."

"Lumalaban ang anak ko kasi marami siyang pinangakuan. Kaya nga kahit hirap na hirap yung anak ko gusto niyang tuparin yung mga pangako niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kay Sir Manny Pacquiao, kung may time ka, sana dalawin mo yung anak ko, kasi isa ka sa mga paborito niya. Kasi naging guest siya dati sa show ni Manny. Kung natatandaan mo, Mr. Manny Pacquiao, gusto ka rin makita ng anak ko, sana mapasaya mo din siya. Sana kung may time ka bigyan mo siya ng time."

May mensahe rin si Mrs. Sebastian sa mga nagkakalat ng maling balita tungkol sa anak.

"Dun sa mga nagbabalita at nagpu-post sa Facebook, na patay na yung anak ko. Ako po mismo, sa 'kin nyo malalaman, buhay na buhay ang anak ko at lumalaban para sa mga mahal niya sa buhay.

"Please lang, maawa kayo sa anak ko dahil hirap na hirap na po siya, 'wag nyo muna siyang patayin.

"Buhay na buhay ang anak ko at lumalaban pa, please lang para sa isang ina, maawa kayo sa anak ko. Tigilan nyo na ang pagpu-post sa Facebook [ng maling balita]."

Tanggap na rin daw ng ina ni Jam ang lumalalang sakit ng anak.

"Sa 'kin lang naman, 'wag na siya mahirapan, okey na sa 'kin. Pero kung miracles will happen hindi ako magsasawang maghintay."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN