Bea Binene denies rumor linking Derrick Monasterio as one of reasons behind breakup with Jake Vargas

Bea Binene says Derrick Monasterio had nothing to do with her breakup with Jake Vargas: “Hindi po! Hindi po totoo ’yan. Kaibigan lang si Derrick. At hindi lang naman si Derrick ang kaibigan ko, pati na rin sina Tuntun [Kristoffer Martin] kaibigan ko rin.”


Mariing pinabulaanan ng VeriFIT slimming capsule image model na si Bea Binene ang tsismis na si Derrick Monasterio ang isa sa dahilan ng hiwalayan nila ni Jake Vargas.



Ayon kay Bea nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mismong presscon ng nabanggit na produkto kamakailan, hindi totoo ang mga haka-haka.

Madiin niyang tanggi, “Hindi po! Hindi po totoo 'yan. Kaibigan lang si Derrick.

“At hindi lang naman si Derrick ang kaibigan ko, pati na rin sina Tuntun [Kristoffer Martin] kaibigan ko rin

“'Tsaka si Derrick matagal na kaming magkasama, magkasama kami sa Vampire [Ang Daddy Ko] at nagkasama kami noon sa Tweenhearts so magkaibigan lang talaga—no more no less.”



MOVING ON. Paano naman nakapag-move on si Bea?

Sabi niya, “Siguro ano, siguro I'm just starting again to enjoy life.

“I wont say that I've completely moved on, pero nandun naman yun sa tao, na kailangan mo siyang tanggapin.

“Hindi ka makakapag-move on 'pag 'di mo siya tanggap.

“So ako ngayon, kahit papaano, I would say na mga 80% tanggap ko na siya.

“Ngayon, nagagawa ko na yung gusto ko, siguro kailangan mo lang i-accept, e.

“Lagi mo lang tatandaan yung kasabihan na, 'Kapag pinagsaraduhan ka ng pinto, may mga bintanang magbubukas sa 'yo.

“Ang mahalaga naman happy ka sa naging desisyon, and I can say happy ako.

“'Tsaka sa sarili ko gusto ko mag-grow by myself, gusto kong mag-grow within myself.



CLOSURE. Tinanong din namin si Bea kung naging madali ba ang closure para sa kanila ni Jake.

“Sakto lang, ako yung nag-decide na wala na talaga.


KEEPING TO HERSELF. Marami ang nagtataka kung bakit mas pinili ni Bea na pansamantalang itago ang tungkol sa kanilang paghiwalay ni Jake.

Rason ni Bea, “Ayoko kasi sabihin ng mga tao na may promo ng movie [Liwanag sa Dilim] kaya gumigimik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayoko sabihin na ganun yung reason kaya nag-announce kami na break na.

“Baka isiipin nila na pinaniwala namin sila sa hindi naman totoo, na pati relationship namin ginagamit namin for the promo.

“And during that time we tried to save the relationship.



HURT. Gaanong kasakit para kay Bea ang breakup nila ni Jake?

“Oo, na-hurt ako ako kasi first boyfriend and first love ko siya.

“Pero sabi nga natin, 'pag may saya, may kalungkutan, hindi lahat ng oras masaya, minsan dadaan ka din sa point na masasktan ka to be strong,” lahad niya.



SUITORS. Hindi naman maikakaila na siguradong marami ang magiging interesadong manligaw kay Bea ngayong siya'y “single” na ulit. Mayroon nga bang mga nagpapakita ng interes sa kanya ngayon?

“Wala pa naman nagsasabi ng ganun kasi nga siguro hindi pa naman namin sinasabi noon, ngayon lang.

“Kaya wala pa namang nagpaparamdam and besides hindi ko pa iniisip yan kasi too soon.

“Alam ko na darating din 'yan, pero not now. If magkakaroon, e di ok, kung wala e di hindi.”



NEW LOVETEAM. Sino na ang magiging loveteam partner ni Bea ngayong hindi na sila ni Jake?

“Ako naman kasi kahit kanino. Ako kasi wala akong ideal na, 'Si Ano gusto kong maka-loveteam...'

“Sa akin kasi, alam ko naman na kung ano ang makakabuti sa career ko yun ang gagawin ng Artist Center at ng GMA-7,” saad niya.



RELATIONSHIP WITH JAKE AFTER BREAKUP. Kinumusta naman namin kay Bea kung paano na ngayon ang turingan nila ni Jake matapos ang kanilang breakup.

“Sa ngayon hindi pa kami nagkikita. Last namin during the promo ng Liwanag sa Dilim.

“Kami naman kasi sa dami na ng times na galit-bati kami, ni minsan hindi naman naapektuhan yung trabaho namin. It's beacuse pareho naming mahal yung work namin.

“Kaya kahit may mga times na hindi kami okey, pagharap sa camera nagagawa namin nang maganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Inilalabas kasi namin sa trabaho yung relasyon namin sa isa't isa.

“Kaya kung makakapagtrabaho kami ulit, walang problema. We'll be professional kasi trabaho yun,” pagtatapos ni Bea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN