Pauleen Luna on her feelings for Vic Sotto: “I love him because of who he is and not what he has."

Hindi pinalusot ni Pauleen Luna ang komento ng kanyang Instagram followers tungkol sa kanilang relasyon ni Vic Sotto. Pinandigan ni Pauleen na mahal niya si Vic, hindi dahil mapera ito, kundi dahil isa itong mabait na tao.


Matagal-tagal na rin ang relasyon nila Pauleen Luna at Vic Sotto. Pero hindi pa rin maiwasang may mga duda sa samahan ng dalawang Eat Bulaga! hosts.

Katulad na lamang sa isang Instagram post ni Pauleen, 26, nitong nakaraang Biyernes, February 27, kung saan kayakap niya ang nobyong si Vic, 60.

Sa caption nakasaad: “As what we both always say, forever you and me.”

As what we both always say, forever you and me.

A photo posted by Marie Pauleen Luna (@pauleenluna) onFeb 27, 2015 at 2:16am PST

Marami ang likers nito at marami ring followers ng Kapuso star ang kinilig sa naturang post.

Pero hindi maiwasang may mangilan-ngilang may disgusto sa kanilang relasyon.

Katulad na lamang ng dalawang followers niya na kanyang sinagot.

Una na rito ang may handle o pangalan na @ana4u77. Sabi nito, “Vic can have gf as much as he likes bt getting married??? I don’t think so… Vic had many x’s prettier than Pauleen bt none of them was offered for marriage, alam ko kc sinabi sa akin ni Vic lol…”

Sagot ni Pauleen, “Oh edi ikaw na, the best ka (clap, clap, clap, emoticons) @ana4u77.”


GOLD DIGGER? Kasunod na sinagot ni Pauleen ang may handle na @cianjenny. Ito ang comment niya:

Tila hindi nagustuhan ng dalaga ang nasabing comment. Sinagot niya kaagad ito.

Saad ni Pauleen, “You see @cianjenny, I get offended with comments like that NOT BECAUSE people like you think I’m a gold digger but because you DO NOT know Vic.

“You do not know his personality, you do not see his soul.

“Seriously, Vic is a very good man, kind-hearted, respects me and my parents, respects my values and loves me.

“What makes you think that the ONLY reason a woman can fall in love with him is because of his money?

“Like what you said, may pera ako, yes, I do not need his money.

“I love him because of who he is and not what he has.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It is just too unfair for him for you to say such thing.

“Pag nakilala mo sya, sigurado ako na magbabago ang isip mo.

“God bless you, your husband and your children.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN