LJ Reyes ecstatic over theater debut; evasive about real score with JC de Vera

LJ Reyes feels she has arrived as an actress because of her theatre debut. She narrates her curtain call experience, “Ewan ko kung napapansin nila ha, pero nakaka-apat na ’kong curtain call, pero nanginginig yung binti ko. As in, every curtain call yun ha? Grabe, iba talaga ang pakiramdam.”


Para kay LJ Reyes, alam niyang “meant-to-be” na ang Juego de Peligro, ang kauna-unahan niyang stage play. Kahit nga nasabay ito sa pagte-taping niya ng kanyang panghapong-serye na Yagit.

Ayon kay LJ, nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa pocket presscon ng PPL Entertainment Inc. sa Baang Coffee Restaurant sa Tomas Morato Avenue, Quezon City, “Sobrang gusto ko rin talaga siyang gawin at buti na lang, pinayagan talaga 'ko ng Yagit at nag-match din naman ang schedule.

“Nagkataon naman na yung mga schedules ng rehearsal, yung mga araw na hindi kayang ibigay, okey lang na wala ako sa rehearsal.

“Feeling ko, meant to be talaga na ito ang first play ko. Worth it talaga yung parang dumadaan kami sa butas ng karayom pagdating sa scheduling.”

FULFILLMENT. Bakit naisipan niyang mag-teatro?

“Kasi, sabi ko nga, hindi ko matatawag ang sarili ko na aktor kung hindi ako makakatungtong sa stage. Ngayon, puwede ko nang sabihin na aktor ako,” natawa niyang sabi.

Dugtong pa niya, “At saka, ang ganda-ganda ng experience lalo na yung binigay na experience sa akin ni Ms. Shamaine Buencamino, yung mga talagang beterano sa stage.

“Nakakatawa nga ako kapag rehearsal, nanonood ako sa kanila, nag-o-observe.

“Para akong new student sa eskuwelahan. Ganoon yung pakiramdam ko talaga. Nakakatuwa rin, like si Ms. Shamaine, hindi siya madamot.

“Yung ibang co-actors ko rin, gina-guide nila ako kung ano ang kailangan kong gawin.”

Ano ang pakiramdam tuwing may curtain call sila pagtatapos ng play?

“Ewan ko kung napapansin nila ha, pero nakaka-apat na 'kong curtain call, pero nanginginig yung binti ko. As in, every curtain call yun ha? Grabe, iba talaga ang pakiramdam.

“Especially noong opening night na nandoon sina Direk Jun Lana, Sir Perci Intalan, yung Artist Center dumating din, mga kaibigan kong artista dumating din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“'Tapos tumayo sila for us, sobrang sarap po talaga ng feeling.”

DARING IN INDIE MOVIE. Bukod sa stage play niya ngayon sa CCP na tatakbo pa hanggang sa March 8 at ang serye niyang Yagit, katatapos lang din niyang gawin ang bago niyang indie film na Anino Sa Likod ng Buwan.

Kung “first” para kay LJ ang makapag-teatro, maituturing din daw niyang “first” ang mga ginawa niyang pagpapaka-daring sa bago niyang indie movie na Anino Sa Likod ng Buwan.

“Grabe yung love scene, may exposure, frontal—yung upper. Pero maganda talaga ang script. Maganda talaga.

“Passion project ito ni Direk Jun kaya sobrang thankful ako na nabibigyan ako ng ganoong role to grow as an actor,” pagpapasalamat niya.

Paano yung love scene, frontal exposure?

“Kung tutuusin mo, hindi siya sexy, yung hitsura ko ro'n, pinaitim ako. Kung tutuusin, hindi siya sexy, pero alluring si Emma.

“May love scene kami ni Luis [Alandy] na grabe talaga. May makikita naman talaga sa akin.

“Yun, grabe talaga yun… pinagdasal ko talaga. Yung first scene niya actually, naliligo although, malayo naman, long shot.”

Na-ilang nga raw siya noong makita niya ang preview at makita niya ang breast exposure niya.

Natatawang sabi ni LJ, “Ang awkward pala kapag nakikita mo ang sarili mo.”

REAL SCORE WITH JC DE VERA. Halata namang maingat pa rin si LJ kapag tungkol na sa napapabalitang karelasyon nito ngayon na si JC de Vera ang tinatanong sa kanya.

Saad niya, “Kapag may newsworthy na balita, malalaman niyo naman po.”

Blooming siya, kaya tinanong ito kung sino ang nagpapaganda sa kanya.

“Naku, thank you po! Siguro, sobrang happy lang ako ngayon.

“Actually, nangayayat na nga po ako sa sobrang pagod, pero happy lang po talaga.

“Yung opening weekend namin, successful po, ang ganda ng feedback. Yun lang din po siguro ang talagang nagpapangiti sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inimbitahan na ba niya si JC na manood ng play niya?

“Marami talaga kong in-invite, as in lahat,” natatawa niyang sabi.

Pero inimbitahan niya si JC?

“Oo,” pag-amin niya.

Excited ba siyang manood?

“Siguro siya na lang ang tanungin niyo,” tila pag-iwas niya.

Pero ano na nga ba ang real score sa kanila ni JC?

“Basta, tulad nga ng sabi ko, kapag may newsworthy na balita, yun na lang. Sa ngayon, wala pa.”

Dugtong pa niya, “At saka, pareho rin naman kaming busy. Lumalabas kapag may time. Pero ako rin kasi, araw-araw rin ang trabaho ko, sobra.”

ENDEARING TRAITS. Kilala namin si LJ na “ligawin” talaga ng mga lalaki. Kahit noon pa, marami na ang nagkakagusto sa kanya at nagtatangkang manligaw.

Sa palagay niya, ano ang meron siya na ligawin nga siya?

“Siguro naman, puwede ko nang sabihin na maganda ang kalooban ko,” natatawang sabi niya.

Biro pa niya, “Charity works pala!”

“Hindi ko rin talaga alam, kasi hindi ko naman nakikita ang sarili ko.

“Ako ha, well for me, ako kasi, attracted ako sa puwede kong makausap. Yung a very wide range of topics.

“'Tapos siguro yung mabait, responsible, baka naman ganun din ako.

“Baka naman na-e-enjoy rin nila ang company ko. Baka nalilibang sila o natutuwa o natatawa sila sa akin,” lahad pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN