Marian Rivera refuses to react to Karylle’s statement about unidentified "two-timing" boyfriend

On whether or not Karylle was alluding to Dingdong Dantes as the two-timing ex-boyfriend, Marian Rivera (in photo) has this to say: “Bakit, si Dingdong lang ba ang ex niya? Malay mo… Ngayon, kung ikukumpirma niya na si Dingdong ang ex niya, doon ako magre-react.”


Dahil sa pamimilit ni Vice Ganda sa episode ng It’s Showtime noong nakaraang Biyernes, February 27, umamin si Karylle na nakaranas na siya ng insidente kunsan na-“two time” o kinaliwa siya ng dati niyang boyfriend.

Ngunit minabuti ng actress-TV host huwag na lang banggitin ang pangalan ng ex-boyfriend niyang ito.

Marami ang nagulat sa rebelasyon ni Karylle.

Dahil dito, naging maugong ang mga haka-haka na si Dingdong Dantes ang tinutukoy niya dahil, unang-una, ang Kapuso actor lang naman ang kilala at naging kontrobersiyal na karelasyon niya noon.

Read: Karylle reveals an ex-boyfriend cheated on her, but refuses to name him

Kaya naman sa ginanap na press launch para sa kanyang Inner Beauty Bench scents ng Bench, sa Trinoma Activity Center, kahapon, February 28, ang tungkol sa isyung ito ang tinanong ng entertainment press sa misis ni Dingdong na si Marian Rivera.

Sa halip na mag-react, kaswal na sagot ng Kapuso Primetime Queen: "Bakit, si Dingdong ba ang sinabi niya?"

Sabi naman ng press kay Marian, wala namang pangalang binanggit si Karylle.

Kaya sabi ni Marian, “O, wala naman palang sinabi.

“Bakit, si Dingdong lang ba ang ex niya?

"Malay mo… O, si Dingdong lang ba ang ex niya?

“Ngayon, kung ikukumpirma niya na si Dingdong ang ex niya, doon ako magre-react.”

Ikinasal sina Marian at Dingdong noong December 30, 2014; si Karylle naman ay ikinasal sa Spongecola vocalist na si Yael Yuzon noong March 21, 2014.


NOT FANNING THE FLAMES. Ano naman kaya ang magiging reaksiyon ni Mrs. Dantes kung sakaling binanggit nga ang pangalan ni Dingdong?

Giit ni Marian, “E, wala naman kinukumpirmang si Dingdong nga yun.

"Ayoko namang mag-react at baka sabihin, assuming akong masyado, or defensive ako.

“Baka nagbibiruan lang.”

Dugtong pa ni Marian, “Ang alam ko, sa Eat Bulaga!, may ganun, problem-solving.

“‘Di ba, kung may mga kuwestiyon kayo, sasagutin ko at magbibigay ako ng advice. Kahit salingkitkit lang ako dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi minsan, ang hirap magbigay ng advice.”


ONLY GOOD VIBES. Maraming taon na ang lumipas at pareho na silang may mga asawa at sariling buhay, ngunit kapag natatanong pa rin si Karylle tungkol sa isyung ito, ang kadalasang sagot ay tila nakaugnay pa rin kay Dingdong.

Parang hindi pa raw nakaka-move on?

“Hindi. Ako naman kung ganyang hindi maka-move on... sino ba ang hindi maka-move on?” balik-tanong ni Marian.

May sumagot naman na, “Sila…”

“Sinong sila?” tanong ulit ni Marian.

“Alam niyo, ganito na lang... malaki kasi ang respeto ko sa asawa ko.

"Mahal ko ang asawa ko at may kanya-kanya na kaming mga buhay.

“So, ako, maging masaya sana sila sa buhay-may-asawa, dahil ako, sobrang saya ko.”

Dugtong pa niya, “Ayaw ng asawa ko ng negative vibes. Kailangan palaging good vibes at positive.”


ENDORSEMENT. Sa isang banda, apat na bagong scents ang inilunsad ng Bench na sunod kay Marian. At personal nga raw siyang namili ng scents nito, maging sa pangalan at packaging.

Ito ay ang mga cologne na Perfect Kiss, Perfect Moment, Perfect Love, at ang eau de toilette na Inner Beauty.

May sagot si Marian sa kaugnayan sa kanya ng mga pangalan ng mga pabango niya.

Ayon kay Marian, “Ang perfect kiss, yung naging kiss namin ng asawa ko nang ikasal kami.

“Perfect moment, yung ngayon na makita ko silang lahat [mga fans] muli.

“Talagang lahat ng okasyon, lahat ng events, nandiyan silang lahat at nakasuporta.”

E, ang perfect love?

“Perfect love, tinatanong pa ba yun? Perfect love, Dingdong!” nakangiti niyang sabi

Pagdating naman sa “inner beauty,” masasabing isang bukas na aklat daw ang buhay niya sa lahat at wala siyang itinago.

“Siguro, yung inner beauty na nakikita nila, siguro yung makatotohanan kong ngiti,” sabi ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN