Liza Soberano wants to achieve her goals first before accepting suitors

Liza Soberano’s condition before accepting suitors: "Basta gusto ko po matupad yung dream ko na sabi ni Tito Ogie, gawin ko raw muna bago ako magpaligaw. Yung kailangan, meron na akong dalawang house—one for my family and one for me—isang condo unit, dalawang cars… So, sana ma-achieve ko pong lahat yun."


Patuloy ang magandang takbo ng showbiz career ng Kapamilya teen star na si Liza Soberano.

Bukod sa successful primetime series nila ni Enrique Gil na Forevermore, ngayon naman ay sasabak na rin sa pelikula ang kanilang tambalan.

Ayon kay Liza, “I’m doing a movie right now with Enrique Gil, ang title niya is The Bet.

“Lifted po ito sa isang Wattpad story na… I can't tell you the story pa kasi…

“Ang Star Cinema na lang ang magkuwento, kasi baka ayaw pa nilang ipasabi po.

“Supposedly, it's for Black Saturday, April 4 ang showing.

“But it was moved sometime in May para mapaganda pang lalo ang movie.”

Dagdag pa niya, “Hindi nga po ako puwedeng kunan ng picture doon kasi medyo surprise yung hitsura ko po doon.

“Kaya ‘pag may nagpapa-picture, I make pakiusap pa na huwag muna ilabas hangga't 'di lumalabas ang trailer.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Liza sa pamamagitan ng Facebook nitong Linggo, March 1.

LOVETEAM. Gusto ba ni Liza na sumunod ang tandem nila ni Enrique (LizQuen) sa yapak ng tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (KathNiel)?

Sagot ng 17-year-old actress, “I’ve always been a KathNiel fan. Pinapanood ko lahat yung ginagawa nilang movies ni Daniel.

“Actually, iyong wallet ko po, may picture kami ni Ate Kath and talagang I’m proud to be a fan.”

Dagdag niya, “Kung gusto ko bang maging ganoon din ang loveteam namin ni Quen? Sino po bang ayaw, hindi ba?

“But better siguro, if we have our own identity, kami ni Quen as a loveteam.

“Ang importante naman, may solid fans ang KathNiel, mayroon din ang LizQuen.

“At the end of the day, okay naman po ang friendship naming lahat.”

FOREVERMORE. Gaano siya kasaya sa success ng Forevermore?

Bulalas ni Liza, “I’m so happy po talaga, hindi ko po expected na ganito…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I mean, nakaka-overwhelm masyado ang support ng fans.”

Sobrang nagpapasalamat din si Liza sa magandang pagtanggap ng publiko sa kanilang toprating TV series sa ABS-CBN.

“Salamat nang sobra sa lahat ng sumusuporta, from the bottom of my heart, thank you so much.

“Sobrang happy talaga, nakakataba ng puso po… pati sa feedback sa Instagram and sa Twitter. Kaya we’re really so happy.

“Promise po namin that we will try our best and we will do our best para lalo pang mapaganda yung show.

“Hope you will always watch Forevermore.

Pagkatapos ng Forevermore, ano pa ang gusto niyang gawin at gusto niyang mangyari sa kanyang career?

Pahayag ni Liza, “Bahala na po, I’m just doing my job.

“Kung ano po ang ibigay sa akin ng ABS-CBN at ng Star Cinema na project, with the guidance of my managers—Star Magic and Tito Ogie [Diaz]—I will just do it.

“Ang sabi po, after ng Forevermore and The Bet, may kasunod po, may plano na.

“Pero for now, basta gusto ko po matupad yung dream ko na sabi ni Tito Ogie, gawin ko raw muna bago ako magpaligaw.

"Yung kailangan, meron na akong dalawang house—one for my family and one for me—isang condo unit, dalawang cars…

“So, sana ma-achieve ko pong lahat yun.

“Siyempre, hindi naman mangyayari lahat ng ito kung wala po yung support ng mga fans na mahal na mahal ako.

"Kaya utang ko sa kanila lahat whatever I achieve in my career.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN