Liza Soberano amused by bashers: "Kasi hindi nila kilala personally ang bina-bash nila."

Liza Soberano on her manager’s advise about bashers: "I-appreciate ko pa rin ang mga bashers kasi sila raw yung nagpapa-motivate and nagpapa-inspire sa akin para galingan ko pa lalo sa acting. Mas magtaka raw po ako kung kahit bashing, wala nang mang-aksaya ng oras sa akin. Ibig sabihin daw po, wala na talaga akong karapatang magtuloy sa pag-aartista."


Bilang isa sa mga pinakasikat na teen stars ngayon, hindi rin ligtas si Liza Soberano sa bashers. Paano niya ito hina-handle?

Sagot niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Mayroon pa ring namba-bash sa akin, but it's okay.

“Naaaliw na lang ako, kasi hindi nila kilala personally ang bina-bash nila.

“So, iniintindi ko na lang po na ganun talaga ang ibang fans.

“But I thank the fans na sobrang understanding, ‘tapos sila pa yung umaawat sa ibang fans who go overboard.

“Sabi nga po ng manager ko [Ogie Diaz], i-appreciate ko pa rin ang mga bashers kasi sila raw yung nagpapa-motivate and nagpapa-inspire sa akin para galingan ko pa lalo sa acting.

“Mas magtaka raw po ako kung kahit bashing, wala nang mang-aksaya ng oras sa akin.

“Ibig sabihin daw po, wala na talaga akong karapatang magtuloy sa pag-aartista.

“Tama naman, kaya yun ang lagi ko na lang iniisip ‘pag may mga bashers.

“Mas masaktan daw po ako ‘pag sobrang kaibigan ko po ang nam-bash sa akin!

“So, yun po,” saad ng Fil-Am actress.

RIVALRY. Ano naman ang komento ni Liza na parang nagkakaroon daw sila ng rivalry ng kapwa niya Star Magic talent na si Julia Barretto?

Aniya, “Kay Julia Barretto po? We are friends.

“Invited nga po niya ako sa debut niya on March 10.

“Gusto ko sana pumunta, kaso po, ewan ko po sa Star Magic kung papayagan ako.

“Lalo na dito sa Forevermore. Kasi po, Tuesday po ‘yon, e, hand-to-mouth kami palagi sa Forevermore.

“Kaya Mondays thru Fridays talaga ang taping days namin.

“’Tapos, Saturdays and Sundays naman ang The Bet shoot.

“But I will talk to Julia na lang kapag hindi talaga kaya ng sked and wish her good luck and happiness sa debut niya.”

Kapag siya naman ang magde-debut, may naiisip na ba siyang theme?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Liza, “Next year pa po iyon, sa January 4…

“Actually, mas gusto ko nga po na bigyan na lang ako ng time to celebrate it with my non-showbiz friends.

“Kasi, nami-miss ko na sila, lalo na yung mga kaklase ko nung high school.

“Pero kung bibigyan po ako ng birthday celebration ng ABS-CBN, e, hindi na po ako choosy!

“Si Tito Ogie na po at ang Star Magic ang bahala diyan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN