Dingdong Dantes on Karylle’s cryptic remark about her cheating ex-boyfriend: "Wala naman sigurong sinasabing ako yun."

“If I react prematurely about a statement that’s not clear, hindi rin naman maganda. Basta para sa akin, ipagdarasal ko na lang sila," says Dingdong Dantes, who remained unfazed by intrigues thrown at him during the grand presscon for his new soap, Pari Koy.


Ayaw nang palakihin pa ni Dingdong Dantes ang isyu tungkol sa naungkat na nakaraan nila ng dating kasintahang si Karylle.

Ito ay kaugnay ng espekulasyong tila ang Kapuso Primetime King ang pinatutungkulan ni Karylle na dating nobyo na diumano’y nambabae habang karelasyon ang Kapamilya TV host-actress.

Read: Karylle reveals an ex-boyfriend cheated on her, but refuses to name him

Ayon kay Dingdong, hindi tama na magbigay siya ng reaksiyon sa tinuran ni Karylle, gayong hindi pinangalanan ng dating kasintahan kung sino ang sinasabi nitong ex-boyfriend na “two-timer.”

“Hindi naman, wala naman sigurong sinasabing ako yun.

“So, I don’t wanna assume din naman.

“If I react prematurely about a statement that’s not clear, hindi rin naman maganda.

“Basta para sa akin, ipagdarasal ko na lang sila,” kibit-balikat na pahayag ni Dingdong.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment reporters si Dingdong sa grand presscon ng bago niyang teleserye sa GMA Network, ang Pari Koy.

Ginanap ito sa Studio 7 ng GMA Network Center sa Quezon City, ngayong Lunes ng gabi, March 2.

Pitong taon na ang nakararaan mula nang maghiwalay sina Dingdong at Karylle pagkatapos ng tatlong taong relasyon.

Sa ngayon ay pareho na silang masaya sa kani-kanilang buhay may-asawa, kaya’t marami ang nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay nauugnay pa rin si Dingdong sa dating nobya.

Sa kabila nito, kumpiyansang inihayag ni Dingdong na hindi siya apektado sa kung anumang intrigang ibinabato sa kanya ngayon.

Sabi pa ng Pari Koy star, “I’m not puzzled, I’m happy. I’m happily married.

“So, you know, baka hindi talaga maaalis yun.

"But the happiness and the love supercedes all the negativity, and that’s all that matters."

Sa huli, tinanong ng PEP kung maaaring sabihing maayos na ang lahat sa pagitan nila ni Karylle, lalo pa’t matagal na panahon na ang lumipas mula nang sila ay maghiwalay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Dingdong, “No, I don’t wanna answer also questions about her.

"Because, again, I’ve not answered din before anything about it.

“Although, I spoke once in a magazine about it and, para sa akin, okey na yun, tama na yun.”

Nauna nang hiningan ng reaksiyon ang misis ni Dingdong na si Marian Rivera kaugnay ng rebelasyon ni Karylle hinggil sa 'di pinangalanang ex-boyfriend ng It's Showtime host.

Ngunit tumanggi rin ang Kapuso Primetime Queen na sagutin ang espekulasyong nag-uugnay kay Dingdong sa tinuran ni Karylle.

Sabi ni Marian, “Bakit, si Dingdong lang ba ang ex niya?

“Ngayon, kung ikukumpirma niya na si Dingdong ang ex niya, doon ako magre-react."

Read: Marian Rivera refuses to react to Karylle's cryptic statement about "two-timing" ex-boyfriend


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN