Iñigo Pascual insists Julia Barretto and Sofia Andres are both special to him

Iñigo Pascual on rumored relationship with Julia Barretto: "Hindi po namin priority yung pagiging… being in a relationship. Hindi po namin priority yun. Right now, we’re focusing on our career and our studies. And, yun nga, we’re still young. I don’t think it’s important right now.”


“Best friends” ang label na ibinigay ni Iñigo Pascual sa samahan nila ni Julia Barretto pagkatapos kumalat ang balitang mag-on na sila.

Itinanggi rin ni Iñigo na girlfriend na niya si Julia.

Saad ng binatang anak ni Piolo Pascual, “Hindi po totoo ‘yan.

"I mean, we’re both young. She’s turning 18.

“Pero hindi po namin priority yung pagiging… being in a relationship. Hindi po namin priority yun.

“Right now, we’re focusing on our career and our studies.

“And, yun nga, we’re still young. I don’t think it’s important right now.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Iñigo sa premiere ng Crazy Beautiful You noong nakaraang linggo.

JULIA OR SOFIA? Sa kabila ng paglilinaw ni Iñigo na hindi sila ni Julia, marami pa rin ang naniniwala na higit pa sa mag-best friends ang relasyon nila.

Lalo na nang sabihin ni Iñigo na siya ang last dance ni Julia sa debut party nito sa March 10.

Super special daw kasi sa isang debutante kung sinuman ang kanyang partner sa last dance.

Pagkumpirma niya, “Opo, ako po ang last dance.

"I’m her friend and I think she treats all her friends special."

Pero sino ang mas special sa kanya: si Julia o ang napabalita ring naging girlfriend niya na si Sofia Andres?

Ayon kay Iñigo, “Parehas po silang special sa akin.

“Julia is one of my closest friends sa showbiz dahil talagang naiintindihan niya ako kasi…

“Dahil we come from similar background. She’s from the Barretto clan.

“So, kapag may problema ako, talagang naiintindihan niya yung mga kailangan ko, talagang nasasagot niya.

“And si Sofia naman, she’s one of my best friends talaga dahil we worked for long time.

“Dahil ang tagal din namin, yung process nung Relaks [It’s Just Pag-ibig],” pagtukoy niya sa unang pelikula nila ni Sofia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ni Iñigo, “Magkasama kami nang matagal and our friendship never ended.

"It got stronger and stronger by the day.

“So, I don’t compare both of them. They’re both really special to me, yun.”

Totoo bang sumama ang loob sa kanya ni Sofia noong matapos ang loveteam nila at ipinareha si Iñigo kay Julia?

Paglilinaw ng young actor, “Kinausap ko naman po siya. I don’t think sumama yung loob niya.

"I mean, we’re good friends and I told her we should not let our job affect our personal lives.

“We both agreed on that and sinabi namin, totoo nga, we’re still young.

“I mean, this is our job and we have to deal with it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN