Kris Aquino jokes about short-lived romance with QC Mayor Herbert Bautista

Kris Aquino attended Women’s Month celebration of QCPD, “Not because balak kong isumbong sa inyo ang mayor ninyo who broke my heart.”


Nagagawa na ngayong biro ni Kris Aquino ang naunsiyaming relasyon nila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Ganito ang ginawa niya nang magbigay ng talumpati ang TV host-actress sa ginanap na Women's Month celebration sa Camp Karingal, na headquarters ng Quezon City Police District (QCPD), kahapon, March 2.

Ayon sa ulat ni Nelson Canlas ng GMA News, ganito sinimulan ni Kris ang kanyang talumpati sa harap ng mga kapulisan:

“Truthfully, I am here super early on a Monday even if I received this invitation just two days ago.

“Not because balak kong isumbong sa inyo ang mayor ninyo who broke my heart.”

Pagkatapos ay sinabi rin daw ni Kris: "Sayang! Kung nagkatuluyan lang kami, sobrang bongga sana ng mga programa that I could have initiated with the private sector to help the QCPD.”

Sa panayam sa kanya ng ilang miyembro ng media, sinabi ni Kris na nagagawa na niyang gawing biro ang pangyayari dahil “okay” na siya.

“Siguro kung puwede ka nang mag-joke about it, okay ka na," aniya.

KRIS'S BLOG. Matatandaang sa kanyang blog na With Love Kris Aquino, idinetalye ni Kris kung paano siya napaibig at binigo ni Mayor Herbert.

“This is the first time I’ll publicly acknowledge this, because I can now recall with absolutely no bitterness or regrets,” sabi ng Kris TV host.

Nabanggit din niya ang naging proposal sa kanya ni Mayor Herbert.

“On the first Friday of April nearly a year ago during merienda, he said he was tired, he didn’t want to play games, he was tired of chasing and of running away, and he wanted to feel secure with someone he could grow old with.

“He said, walang romance, walang lokohan, walang bolahan. Okay na raw ba ko to marry him kasi nga PAGOD na sya?

“I remember laughing and saying that was probably the least romantic proposal any woman has ever received, but because we were so similar in our weirdness, I was in agreement...”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayunman, hindi pa rin naging maganda ang pinatunguhan ng namumuong relasyon nina Kris at Mayor Herbert.

Kuwento ni Kris sa kanyang blog, “Over the phone he broke up with me, right before Bimb’s 7th birthday party.”

Sa kabila nito, nananatiling magkaibigan sina Kris at Mayor Herbert.

Read: Kris Aquino reveals Mayor Herbert Bautista proposed but broke up with her a few days later


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN