Paulo Avelino denies breakup with KC Concepcion: “Wala namang nagbi-break siguro na magkaibigan.”

Nagtataka si Paulo Avelino sa mga balitang lumalabas tungkol sa diumano’y hiwalayan nila ni KC Concepcion. Ayon sa Kapamilya actor, hanggang magkaibigan lang ang inabot ng relasyon nila ni KC at hindi pa raw siguro panahon ng pag-ibig para sa kanya.


Nagulat si Paulo Avelino sa tanong ng entertainment press kung totoong break na sila ni KC Concepcion.

Sabi ng 26-year-old Kapamilya actor, “Huh? Parang wala pa namang inaamin na naging kami, 'tapos break kaagad?

“Wala namang nagbi-break siguro na magkaibigan.”

Lalo pang nadagdagan ang espekulasyong ito nang mag-post si KC sa kanyang Instagram account, noong February 25, patungkol sa pangungulila niya sa isang tao.

Nabasa ba ni Paulo ang post na ito ni KC?

Natatawang tugon niya, “Check ko mamaya sa Instagram!

“Actually, siguro po medyo napa-flood palagi, ang dami ko kasing pina-follow na kung anu ano.”

Tuloy pa ba ang communication nila?

“Yeah, yeah. Nag uusap naman kami,” sabi ni Paulo.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktor sa grand presscon ng upcoming primetime series ng ABS-CBN na Bridges of Love, na ginanap sa Dolphy Theater, ngayong Martes ng tanghali, March 3.

“AS FRIENDS.” Matagal nang nali-link sina Paulo at KC, ngunit wala pang pormal na pag-amin ang dalawa.

Hindi na rin sila madalas makitang magkasama sa publiko at sa posts nila sa kani-kanilang Instagram account.

Hanggang saan ba umabot ang kanilang relasyon ni KC?

Nakangiting sagot ni Paulo, “As friends.”

Bakit hindi nagtuluy-tuloy ang kanilang magandang samahan? Laru-laro lang ba ang kanilang ligawan?

Seryosong tugon ni Paulo, “Hindi. Hindi naman siguro.

"Sa ngayon, nagpo-focus lang kami sa sarili namin and we’re trying to be better... better people.

"And siguro, hindi lang siguro talaga panahon ng pag-ibig."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN