Dingdong Dantes reveals "little discoveries" about wife Marian Rivera

Dingdong Dantes on having a baby with wife Marian Rivera: "Ang plan naman is this year, but both of us are engaged in a show. Siyempre, lahat naman ‘yan, may planning din, et cetera, et cetera. So, ngayon, e, ‘eto ang ginagawa namin. Pero lahat naman ‘yan magbabago depende sa dikta na ibibigay sa aming biyaya. So, everything depends on that."


Unti-unti na raw nararamdaman ni Dingdong Dantes ang pagiging pamilyadong tao.

Matatandaang ikinasal ang Kapuso Primetime King sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera noong December 30.

Pagkatapos ng kanilang kasal ay nagpunta ang mag-asawa sa Europe at pagkalipas ng ilang linggo ay nagtungo naman sila sa Palawan.

Saad ni Dingdong, “Actually, noong first few days, parang pareho lang. Wala namang nagbago.

“Pero pagbalik namin dito, siguro after two weeks, yun, naramdaman ko na unti-unti na nag-next level na.

“Alam mo na may asawa ka na.

“Alas-onse, inaantok na ako. Hindi ko alam kung bakit.

“Maaga akong nagigising, yung mga ganun.

“So, parang mas may dahilan kang bumangon araw-araw.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa grand launch ng kanyang bagong primetime series sa GMA, ang Pari Koy, noong Lunes, March 2.

CHANGES. Dalawang buwan na silang mag-asawa ni Marian. May mga nakikita na ba siyang pagbabago?

Saad ng 34-year-old actor, “Yun nga, yung mga maliliit na bagay na ganun. Medyo mas maaga kang nagigising.

“Pero yung mas mahalaga sa lahat, yung motivation to work and do better things, e, nag-increase ten folds.”

Natawa naman si Dingdong nang kunin namin ang reaksiyon niya sa sinabi ni Marian na mas naging sweet daw ang aktor ngayong mag-asawa na sila.

Read: Marian Rivera on hubby Dingdong Dantes: “Mas sweet siya sa akin, promise! Talo ako.”

Saad niya, “Well, siguro expression of happiness yun.

“And maganda nga na yung inspirasyon na yun na naibibigay ay naita-translate sa maraming bagay.

“Like this one, ‘di ba, parang every day, kapag nagte-taping, mas ginaganahan ka.

“Hindi ko naman sinasabing dati hindi, pero more lang, e.

“Sabi ko nga, parang everything increases ten folds for some reason.”

May mga nakikita pa rin ba siyang bago kay Marian sa kabila ng matagal na rin naman silang magkakilala?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron pa rin, every day dapat merong mga little discoveries,” sagot ni Dingdong.

Ano yung ilan sa nadidiskubre niyang bago kay Marian?

“Well, like kanina, first time niya kasi ulit na napuyat after a long time, nag-taping siya ng Lenten special.

“So, nauna akong natulog. Parang wala siya dun sa tabi ko.

“Pero alam ko na napagod siya dahil hindi pa siya sanay. So, may mga ganun.

“Alam mo, napi-feel mo kapag napapagod siya.

“And parang you wanna do everything para maging maayos ang kalagayan niya.”

BABY, BABY… Hindi naman maiwasang tanungin si Dingdong kung kailan nila planong magkaroon ng anak ni Marian.

Sabi ng Kapuso actor, “Well, ang plan naman is this year, but both of us are engaged in a show.

“Siyempre, lahat naman ‘yan, may planning din, et cetera, et cetera.

“So, ngayon, e, ‘eto ang ginagawa namin.

“Pero lahat naman ‘yan magbabago depende sa dikta na ibibigay sa aming biyaya.

"So, everything depends on that."

Goal naman daw talaga nilang mag-asawa na magkaroon ng anak.

Sabi nga ni Dingdong, “Of course, of course!

"In fact, that’s the reason why we decided to settle down because game na game kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN