Gabby Eigenmann on sister Andi’s suitor Bret Jackson being out of the picture: "Ayokong matuwa, baka maihip ng hangin."

Gabby Eigenmann’s wish for his 37th birthday: "Ayokong nagwi-wish para sa sarili ko. I always wish for the people who are close to me. Yun lang, mga anak ko, kapatid ko... I always wish them to have a good, happy life. Mapabuti sila, magkaroon ng tamang direksiyon."


Nagdiwang ng kanyang 37th birthday ang Kapuso actor na si Gabby Eigenmann noong Lunes, March 2.

Nataon namang noong gabing iyon ginanap ang kinabibilangan niyang primetime series sa GMA Network, ang Pari Koy, kaya naman nagkaroon ng maliit na surprise birthday party sa kanya ang staff ng show.

Ano ang birthday wish ni Gabby?

Sagot niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "To continue living happy and simple life.

"Pero sabi ko nga kanina, hindi naman ako madamot.

"Ayokong nagwi-wish para sa sarili ko. I always wish for the people who are close to me.

"Yun lang, mga anak ko, kapatid ko... I always wish them to have a good, happy life.

"Mapabuti sila, magkaroon ng tamang direksiyon."


ANDI'S SURPRISE. Nalaman namin na sinorpresa si Gabby ng kanyang half-sister na si Andi Eigenmann noong eve ng birthday ng aktor.

Kasalukuyan namang nagte-taping noon si Gabby para sa isa pa niyang show sa GMA, ang InstaDad, sa Baguio.

Kaya nang tanungin si Gabby kung sino ngayon ang boyfriend ng kapatid, sinagot niya ito ng: "Wala, ngayon wala. That's why nagpunta siya ng Baguio kasi may time siyang mag-Baguio."

Samantala, consistent pa rin ang sagot ni Gabby na kung siya ang masusunod, si Jake Ejercito pa rin ang pipiliin niya para kay Andi.

"Yes, I'll be blunt to say na yes.

"Nagpakita kasi siya ng respeto sa pamilya at maganda ang pagpapalaki sa kanya.

"Like I've said, hindi ko control kung ano ang gusto ng kapatid ko sa buhay niya, kung sino ang mamahalin niya.

"Pero kung ako ang tatanungin niya, alam naman niya ang sagot ko.

"That's why it never came to a point na, 'Kuya, sino ba, bakit ayaw mo ng ganito?' Wala namang ganun.

"Kasi kapag tinanong niya ako, hindi niya makukuha ang sagot na gusto niyang marinig."

Masaya si Gabby na single muna si Andi ngayon, at wala na sila ni Bret Jackson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayokong matuwa, baka maihip ng hangin. Magkamali na naman ako ng reaksiyon.

"Kaya, 'A, ganun?' Ganun lang!" natawa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT




COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN