Gabby Eigenmann will only agree to play kontrabida again to Dingdong Dantes or Dennis Trillo

Long-time married Gabby Eigenmann has advice to newly married Dingdong Dantes: "Patience... they have to be patient who will start or lead the way."


Balik-kontrabida ang Kapuso actor na si Gabby Eigenmann sa bagong primetime series ng GMA na Pari Koy, na pagbibidahan ni Dingdong Dantes.

Gagampanan dito ni Gabby ang papel ng isang pulitiko na sa panlabas ay mabait at tumutulong, ngunit ang totoo ay corrupt naman.

Totoo bang kay Dingdong na lang siya magkokontrabida?

Sagot ni Gabby, "Sinabi ko, pero ayaw niyang maniwala.

"Hindi naman sa exclusive. Pero it's like a running joke na kung babalik man ako sa pagkakontrabida, Dingdong would always be my priority, kasi magkakaibigan kami."

Kung iba, ayaw niya?

"Okey lang, si Dennis [Trillo], okey lang.

"But I enjoy being Dingdong's rival kasi marami na kaming pinagsamahan.

"It's nice to experiment. It's nice to approach each other's characters."

Mukhang hindi naman siya yung tipo ng kontrabida sa Pari Koy na magsasabog o manununog ng bus, na kadalasang ginagawa ng mga kontrabida sa isang soap opera.

"Hindi naman, hindi naman... mabait.

"Meron kasi akong anak dito, 12 years old. May sakit, leukemia.

"Parang ang ginagawa kong kabutihan, parang balik para gumaling siya. Pero nag-a-under the table ako."

Sino ang peg niyang pulitiko?

"Meron na, meron na, pero ayokong magbanggit!" natawa niyang sabi.


CAMARADERIE. Bago itong Pari Koy, huling nagkasama sina Gabby at Dingdong sa primetime series na Endless Love noong 2010.

Ngayon ay may asawa na rin si Dingdong kagaya niya. Nararamdaman ba ni Gabby na mas nag-mature na sila, mas iba na ang mga prayoridad sa buhay?

Sagot niya, "Mas madali sa amin na anu-anohin namin 'to, let's think of something kung paano ang atake nito.

"May ganun na kami. We exchange suggestions. Dati, wala.

"Siyempre, we were establishing ourselves to be creative among ourselves.

"Yung camaraderie namin, given na yun off-cam.

"Pero kapag nasa eksena na kami, hindi kami dapat nagpapakialamanan.

"Pero nandoon pa rin yung you do your things, I'll do my things.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We have to jibe."


ADVICE. Bilang matagal na siyang may asawa at si Dingdong naman ay nagsisimula pa lamang, nagtatanung-tanong ba sa kanya ang kaibigan tungkol sa buhay may asawa?

Ayon kay Gabby, "When I congratulated them, siyempre usap-usapan na the biggest wedding industry.

"Yes, you can have that, but I don't say that it's just a wedding.

"But the marriage, it's what makes it works, more special."

Bilang pareho niyang kilala sina Dingdong at Marian Rivera, ano naman ang maipapayo niya sa mga ito?

"Patience, not just Dingdong, pareho sila.

"Of course, love, nandiyan na 'yan, e.

"Pero siyempre, yung pagiging patient nila sa isa't isa.

"May pros and cons 'yan. Along the way, may mga obstacles.

"Maaaring malagpasan ni Dong ang obstacle na 'yan. Maaaring malagpasan ni Marian.

"But since mag-asawa sila, kailangang sabay sila.

"So they have to be patient about who will start or lead the way."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN