Julia Barretto "genuinely happy" about reconciliation with dad Dennis Padilla

Julia Barretto on reconciliation with dad Dennis Padilla: "Not to sound so cheesy, but wounds don’t heal that fast. But then, you can’t wait forever. ‘Ika nga, life is too short. You can’t wait. It might be too late. Kapag nangyari yun, I’ll be devastated."


“Gumaan ang loob ko ng 100 percent and I was genuinely happy.”

Ito ang pahayag ng Kapamilya young actress na si Julia Barretto tungkol sa pagkakaayos nila ng amang si Dennis Padilla.

Sa presscon para sa nalalapit na debut party ni Julia nitong Miyerkules, March 4, sa Chronicle Lounge ng ELJ Bldg. sa loob ng compound ng ABS-CBN, ibinahagi niya ang nangyaring pagbabati nila ng ama na unang lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Read: PEP SCOOP. Julia Barretto makes first move to reconcile with dad Dennis Padilla

Gaano niya katagal pinag-isipan na makipag-ayos sa kanyang ama?

Saad ni Julia, “Not to sound so cheesy, but wounds don’t heal that fast.

“But then, you can’t wait forever. ‘Ika nga, life is too short.

“You can’t wait. It might be too late.

“Kapag nangyari yun, I’ll be devastated.

“And also, siyempre, may special day is coming soon.

"Sabi ko, I want him to be there. E, di ayusin ko na.”

Habang break ng isang game show ng ABS-CBN ay nag-usap ang mag-ama sa isang dressing room, at doon personal na inabot ni Julia sa ang imbitasyon para sa kanyang debut party sa March 10.

Ayon sa young actress, “Surprise yun talaga. Gusto ko lang talaga na parang walang nangyari.

“’Here’s your invitation,’ ganyan-ganyan. Siyempre, parang shocked siya.

“’Tapos yun, from there, he explained…

“Hindi na ako masyadong nagsalita, nakinig na lang ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN