Julia Barretto laughs off alleged reason of Gretchen-Marjorie feud

Naiintindihan daw ni Julia Barretto kung bakit hindi makakarating ang kanyang Tita Gretchen sa debut party niya sa March 10. Sabi ni Julia, “Siyempre, birthday niya. She wants to be with her daughter in London. Anak niya yun, pamangkin lang naman ako, ‘di ba? So, I understand. Hindi naman ako mababaw na magtatampo agad. There’s more important thing na magtatampo ako. That’s not a big thing.”


Gusto ni Julia Barretto na maging daan ang kanyang debut party sa March 10 para magkaayos na ang pamilya Barretto—mula sa kanyang lolo at lola na sina Miguel at Inday, mga tita na sina Gretchen at Claudine, at inang si Marjorie.

May mga ginagawa ba siya para maisakatuparan ito?

Sabi ni Julia sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I can’t force anything to happen.

“I don’t think that’s the right thing to do.

“Parang hindi tama naman na magpilit ng tao, ‘di ba?

“You know, it’s my special day. I want everybody to be there.

“If that’s the reason na magkakaayos ang lahat, then good.”

Personal ba niyang inimbitahan ang kanyang Tita Gretchen?

“I personally invited all of them,” sagot ni Julia.

Nagpasabi na bang darating ang mga ito sa debut niya?

“Some of them said they are.

"Some of them, hindi ako magpilit.

“Basta alam nilang I want them to be there.”

GRETCHEN & MARJORIE. Nabanggit naman kay Julia na posibleng nasa London si Gretchen sa mismong debut party niya.

Malapit si Julia sa Tita Gretchen niya at magandang oportunidad nga sana ito para magkita at magkaayos ang lahat sa kanilang pamilya.

Wala siyang tampo rito?

“No naman, I’m not just thinking about myself.

“Siyempre, birthday niya. She wants to be with her daughter in London.

“Anak niya yun, pamangkin lang naman ako, ‘di ba?

“So, I understand. Hindi naman ako mababaw na magtatampo agad.

“There’s more important thing na magtatampo ako. That’s not a big thing.”

Dahil balitang may tampuhan sa pagitan nina Gretchen at Marjorie, hindi kaya ang mommy niya ang magtampo?

Sagot ni Julia, “But that’s already coming from me.

“It’s my special day, not my mom’s special day.

“Bakit magtatampo ang mommy ko, hindi naman niya debut?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s alright. She [Gretchen] can be with them... Ate Doms [Dominique Cojuangco], her daughter.”

HANDLING INTRIGUES. Tinanong din ng PEP si Julia tungkol sa isyung kaya raw nagkaroon ng tampuhan sa pagitan ng mommy niya at ng kanyang Tita Gretchen ay dahil sa pagiging vocal ng huli ng paghanga nito kay Liza Soberano.

Hindi raw ito nagustuhan ni Marjorie dahil itinuturing nitong magkaribal sina Julia at Liza sa bakuran ng ABS-CBN.

Natatawang tugon dito ni Julia, “You know what guys, oh my gosh…

“Honestly, so far, ito na talaga ang pinakanakakatawang rumor na ginawa nila na dahilan kung bakit nag-away ang pamilya ko.

“Sorry, ha, napakababaw po talaga.

“Bakit?

“Ang dami-daming puwedeng pag-awayan, bakit yun, ‘di ba?

“Sana may relevance man lang sa pamilya namin o sa mga pinagdaanan.

“Saan nanggaling yun, ‘di ba? Wala na talagang magawa.”

Sa murang edad ni Julia at maituturing pa rin siyang baguhan sa industriya, marami-rami na rin siyang pinagdaanang kontrobersiya.

Paano niya hina-handle ang mga ito? May mga pagkakataon bang umiyak siya dahil dito?

Saad ni Julia, “Yun nga, siyempre nakaka-affect din siya.

“I have feelings too, pero siyempre, I chose to be strong and I go on with my life.

“I don’t let them dictate how I’m gonna feel.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN