Jillian Ward hardly remembers her Trudis Liit days: “Grabe, ang kulit ko pala talaga noon!”

Jillian Ward on being a young lady: “Naiba na po ang mga hilig ko ngayon. Mahilig pa rin po ako sa mga dolls, pero naka-display na lang po sila sa room ko. Mas gusto ko na po ang mga dresses, yung mga accessories po at shoes. Hindi po ako mahilig pa sa make-up. Hanggang powder at lip gloss lang po ako."


Nag-celebrate ng kanyang 10th birthday noong February 23 ang Kapuso child star na si Jillian Ward.

Parang kailan lang nang na-discover si Jillian at nagbida sa afternoon teleserye na Trudis Liit noong five years old pa lamang siya.

Nasundan pa ito ng Jillian: Namamasko Po, Captain Barbell, Daldalita, Luna Blanca, Home Sweet Home, at My BFF.

Kung dati-rati ay mahilig maglaro at may kakulitan si Jillian, ngayon ay kilos dalaga na siya kahit hindi pa siya matatawag na teenager.

Natatawa na nga lang si Jillian kapag ikinukuwento sa kanya ang kanyang pagiging makulit at madaldal noong five years old siya.

Sabi niya, “Wala nga po akong masyadong maalala sa mga ginagawa ko noon.

“Sinasabi lang po nila sa akin na ang kulit-kulit ko at ang daldal ko raw po.

“Hindi ko na po siya maalala, pero kapag napapanood ko po yung mga lumang interviews ko sa YouTube, doon ko lang medyo naaalala po.

“Grabe, ang kulit ko pala talaga noon!”

Ikinakatuwa naman ni Jillian na nakikilala pa rin siya ng kanyang fans, kahit hindi na siya yung dating cute at makulit na child star.

“Meron pa rin pong nakakakilala sa akin, lalo na kapag napapasyal kami sa mall.

“Yung iba po, matagal akong tinititigan. Gusto lang nilang maka-sure na ako nga si Jillian Ward dahil lumaki na nga po ako.

“Tawag pa rin po nila sa akin ay Trudis. Minsan yung name ko po ang tinatawag nila.

“Nakakatuwa po, kasi hanggang ngayon ay kilala pa rin nila ako kahit medyo matagal akong hindi nakagawa ng teleserye.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jillian sa press launch ng bagong primetime teleserye ng GMA Network, ang Pari Koy, noong March 2.

FROM LITTLE GIRL TO YOUNG GIRL. Unti-unti raw nabawasan ang pagiging playful ni Jillian habang lumalaki siya.

Ngayon ay nawala na ang hilig niya sa paglalaro, sa mga laruan, at pagkain ng chocolates.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naiba na po ang mga hilig ko ngayon.

“Mahilig pa rin po ako sa mga dolls, pero naka-display na lang po sila sa room ko.

“Mas gusto ko na po ang mga dresses, yung mga accessories po at shoes.

“Hindi po ako mahilig pa sa make-up. Hanggang powder at lip gloss lang po ako.

“Ayaw pa po ni Mama na gumamit ako ng make-up.

“Hindi na rin po ako mahilig kumain ng chocolates at junk foods. Kaya nga po pumayat ako ngayon.

“Gusto ko po mga fruits at homemade iced tea na gawa ng papa ko.”

Hindi raw katulad ng karamihan ng mga kabataan ngayon si Jillian na masyadong nagiging abala sa gadgets, ‘tulad ng smart phones at tablets.

Pero mayroon naman daw siyang social media accounts sa Facebook at Instagram.

Ayon kay Jillian, “Para naman sa mga fans ko po yung Facebook at Instagram.

“Para makita nila yung mga ginagawa ko at i-follow po nila ako.

“Pero wala po akong sariling cell phone.

“Yung iPhone ni Papa ang ginagamit ko para makapag-post ako sa Instagram.

“Ayaw pa po akong bigyan ni Papa ng sarili kong cell phone.

“Hindi pa raw ako ready kasi baka mawala ko lang daw po at baka magsayang ako ng oras na maglaro ng games.

“Kapag nag-thirteen na lang daw po ako puwedeng magkaroon ng sarili kong cellphone.

“By that time daw po ay alam ko nang maging responsible sa mga gamit ko.

“Kung may gusto po akong tawagan or i-text, cellphone ni Papa ang ginagamit ko.”

SCHOOL GIRL. Kahit abala siya sa showbiz, hindi raw pinapabayaan ni Jillian ang kanyang pag-aaral. Kasalukuyan siyang nasa Grade 3 sa Montessori International School.

Very considerate daw ang school ni Jillian, lalo na sa mga ‘tulad niyang may trabaho dahil may home study program ito.

“Yun po ang maganda sa school na pinapasukan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag hindi po ako masyadong busy sa taping, nakaka-attend po ako sa school ng regular.

“Kapag ganito po na sunud-sunod po ang trabaho, naka-home study po ako.

“Kailangan ko lang pong pumunta sa school ng twice or three times a week para sa mga assignments na ipapagawa nila.

“Kaya wala po akong nami-miss na lessons at homework sa school kasi po nakakahabol naman ako.

“Okey naman po ang grades ko sa school. Kapag may recitation naman po, nakakasagot ako.

“Enjoy po ako sa school kaya kapag maluwag po ang schedule ko, pumapasok po ako sa school talaga.

“Iba pa rin po yung nasa classroom ka at kasama mo ang mga classmates mo at sabay kayong nag-aaral.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN