Judy Ann Santos says she and Kris Aquino have become more responsible after their misunderstanding

Judy Ann Santos on her past misunderstanding with Kris Aquino: “There’s so many lessons learned along the way. And ang sabi nga nila, kapag na-value mo nang husto ang isang tao sa buhay mo, hindi mo siya makikitaan ng masama.”


Masaya si Judy Ann Santos na maaari pang madugtungan ang pagiging magkabigan nila ni Kris Aquino.

Ito ay matapos maging maayos ang anumang hindi nila pagkakaunawaan noon tungkol sa isyu ng Mamamsapano clash.

Read: Did Kris Aquino unfollow Judy Ann Santos on Instagram?

Read: Kris Aquino now following Judy Ann Santos on Instagram after brief falling-out

Pahayag ni Judy Ann, “Alam niyo, honestly, yung pag-text ni Kris at that time, it was really a relief na napag-isipan namin pareho.

“And nirerespeto ko ang naramdaman niya, nirerespeto ko ang opinyon niya.

“Dahil bilang kapatid at bilang tao, siyempre magiging sensitive ka rin sa part na yun.”

Kuwento pa niya, “Yes, after nung texting, I greeted her nung birthday niya [February 14], she texted back naman.

“As you saw naman sa text, yung friendship naman namin ay hindi yung deeper kind of friendship, e.

“It was a warm friendship for both of us… I would co-host her show [Kris TV].

“Ang open nang friendship namin ni Kris, and very professional.”

Dagdag ni Judy Ann, “Yun ang maganda, and I think, pareho kaming naging responsible bilang mga tao.

“Naging responsable kami bilang magkaibigan.

“If you’re gonna ask me if yung friendship namin will go deeper, we can't say… baka in the future, ‘di ba?

“Pero wala pang time na nagkita o nagkasalubong kami.

“But I'm praying na if it happens, wala na yun.

“There’s so many lessons learned along the way.

“And ang sabi nga nila, kapag na-value mo nang husto ang isang tao sa buhay mo, hindi mo siya makikitaan ng masama.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media ang Queen of Philippine Teleserye sa pocket presscon ng Someone To Watch Over You kahapon, March 3.

Muli ring iginiit ni Judy Ann na nirerespeto nila ang opinyon ng bawat isa, lalo na sa mga isyung kailangang magbigay ka ng sarili opinyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na-mention niya noon na...

“Parang fill in the blanks na nagkakaintindihan naman kami sa bawat isa, kasi very open yung nangyari.

“Kung hindi ko naman naintindihan kung saan siya nanggaling, it would have been a bigger issue.

“Pero since siguro ang dami na rin naming napagdaanan through friends and everything, it was a mutual understanding.”

Nakikita ba niya na posibleng maging personal na magkaibigan sila ni Kris?

Tugon ni Judy Ann, “Why not, ‘di ba?

“Lahat naman ay may potensiyal na maging personal na kaibigan, may pagdadaanan lang talaga.

“Itong sa amin lang ni Kris, ito ang dapat naming pagdaanan to understand each other better.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN