Karla Estrada defends son Daniel Padilla on being dragged into Jasmine-Sam breakup: “Hindi gagawin ng anak ko ang manira.”

Karla Padilla on raising her son Daniel Padilla: “I know my son very well. Hindi siya santo. Huwag natin isipin na ganun. Pero ako, sinasabi ko, he’s very conservative.” Karla adds that she makes it a point to have a heart-to-heart talk with Daniel every now and then.


Mariing pinabulaanan ni Karla Estrada ang espekulasyong ang anak niyang si Daniel Padilla ang dahilan ng hiwalayan ng magkasintahang Jasmine Curtis-Smith at Sam Concepcion.

“Ay, hindi naman totoo yun!” giit ni Karla nang tanungin hinggil dito.

Nakakasiguro umano si Karla na walang kinalaman ang kanyang anak sa kung anumang problema nina Jasmine at Sam.

“Hindi gagawin ng anak ko ang manira.

“Kung sino man, kung ano man ang nangyari, wala tayong pakialam ro’n.

“At matatanda na rin lahat, so sila na ang nagdesisyon nun.

“Walang kinalaman ang anak ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang reporters si Karla sa presscon ng sinalihan nitong celebrity game show, ang Your Face Sounds Familiar.

Ginanap ito sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound, ngayong Huwebes ng tanghali, March 5.

Nauna nang naiulat ng PEP ang tungkol sa pamba-bash ng fans ng loveteam nina Kathryn at Daniel—o mas kilala bilang KathNiel—kay Jasmine nitong mga nakaraang linggo.

Ito ay sa kadahilanang hindi maiwasang maiugnay si Daniel sa diumano'y misteryosong flower sender ni Jasmine.

Read: Jasmine Curtis on breakup with Sam Concepcion: Don't blame Anne

Sa parte ni Karla, nakiusap siya sa KathNiel fans na hangga’t maaari ay iwasan ang pagbitiw ng hindi magagandang salita laban sa kung sino mang artista.

“Para sa mga KathNiel, mga anak, ‘wag tayong masyadong mainitin ang ulo.

“'Wag tayong masyadong palaaway. Iwasan natin ‘yan dahil hindi ‘yan nakakatulong sa mga iniidolo niyo.

“Nagre-reflect po ‘yang mga salita ninyong hindi maganda patungkol sa ibang tao.

“'Yan ay nagre-reflect sa mga iniidolo niyo.

“Ang lumalabas, ganyan ang ugali o ganyan kayo kausapin ng mga iniidolo niyo, in particular dun sa KathNiel,” dagdag na paliwanag ni Karla.


OPEN COMMUNICATION WITH DANIEL. Bilang ina, nilinaw ni Karla na ang mahalaga ay hindi siya nagkukulang sa pagbibigay ng payo sa kanyang mga anak, lalo na kay Daniel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Punung-puno ng guidance yun.

“Everytime na meron kaming pagkakataon, ang style ko kasi, inuupo ko ‘yan sa kuwarto.

“Dun ko sinasabi lahat, walang edit-edit.

“Lahat ‘yan—‘Alam mo kung sa’n ka mapupunta, anong paglalagyan mo, ‘eto ang katotohanan, ‘eto ang hindi.’

“Diretso [kong sinasabi kay Daniel],” lahad ni Karla.

Maging sa mga isyung may kaugnayan sa pre-marital sex ay binibigyang-payo ni Karla ang anak.

“Siyempre! Open [kami].

"'Tapos tatayuan ka na niya, aalis siya, mabubuwisit siya, nahihiya siya, e!” natatawang pag-amin ni Karla sa press.

Dugtong pa niya, “Sinasabi ko, ‘Yung totoo na ang panandaliang kaligayahan ay nagiging taon o habang panahon na pagsisisihan mo. So, lagi kang mag-iingat.’

“[Sasagot si Daniel], ‘Ma, ano ba ‘yan!’ 'Tapos tatakbo na ‘yan. Ayaw niya yun.

“Pero kasi, pinangungunahan ko.”


ON DANIEL ON BEING A “PADILLA.” Aminado si Karla na hindi perpekto ang kanyang anak, pero sinisiguro niyang maganda ang values ng Kapamilya young actor.

Aniya, “I know my son very well. Hindi siya santo. Huwag natin isipin na ganun.

“Pero ako, sinasabi ko, he’s very conservative.”

Pilyong tinanong ng isang entertainment reporter kung sa tingin ni Karla ay “virgin” pa ang anak na si Daniel.

Sagot ni Karla, “Ay, hindi ako para sumagot dun. Pero I would like to think, yes.”

Pagdating sa usaping posibleng namana ni Daniel ang playboy image ng angkan ng mga Padilla, nilinaw ni Karla na wala sa pamilya kundi nasa tao ang desiyon kung ano man ang pag-iisip at pag-uugali nito.

Sabi niya, “Actually, huwag natin anuhin yung mana-mana.

“Dahil lahat naman ng lalaki, talagang mahilig sa magagandang babae, ‘di ba?

“So, wala po sa apelyido ‘yan.

“Nagkataon lang na nakikita natin sa pelikula at naisusulat because sila ay nasa pinilakang-tabing, sila yung napag-uusapan.

“Pero hindi lang Padilla. Ang dami natin diyan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN