Vin Abrenica on Aljur’s stature in showbiz: “He’s still there, never siyang bumaba kahit konti sa kinalalagyan niya.”

Vin Abrenica topbills Wattpad Presents: My Fiance Sincé Birth with Yassi Pressman.


Masaya si Vin Abrenica na nagbalik na sa trabaho ang kapatid niyang si Aljur Abrenica.

Naganap ang comeback ni Aljur sa Sunday All Stars (SAS) ng Kapuso network noong Linggo, March 1.

Get your summer on, mga Kapuso! #SASSexySummer

A photo posted by gmanetwork (@gmanetwork) onMar 1, 2015 at 12:08am PST

Sabi ni Vin, “Actually, nagulat ako na bumalik na siya ng work.

"Para sa akin, sobrang saya.

"Isa ako sa mga nag-record ulit ng SAS niya. At ang galing ng performance niya."

Ayon pa sa TV5 actor, “Nakikita ko nga na he’s a changed man. Iba na yung mga taong nakakasama niya.

“Meron na siyang mga life quotes. Iba na siya talaga mag-isip ngayon.

"Kunyari, nakapag-promise ako ng isang bagay na gagawin ko, at kung hindi ko nagawa, pagsasabihan niya ako sa gabi.

“Kung nakapagsabi ka na pupunta ka, man up, ganun na siya mag-isip.

"Talagang makikita mo yung progress mula noon hanggang yung sa ngayon.

"Talagang ibang-iba na siya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Vin sa pocket presscon ng Wattpad Presents: My Fiancé Since Birth, sa TV5 Media Center, Mandaluyong City, ngayong Huwebes ng hapon, March 5.


“HE’S STILL THERE…” May alam ba si Vin kung ano na ang nangyari sa reklamo ng kapatid niya laban sa GMA?

Sagot niya, “Para sa amin, advice naman lagi ng parents ko...

"Kasi nga, pagdating dun sa kaso niya, it’s always my dad ang lagi niyang kausap.

“Pero ang lagi ko naririnig na advice is lagi na lang na iwas na lang kami lahat sa gulo. Iwas lahat sa problema or sa ano.

"Basta lahat maayos, kung anuman yung magkakaroon ng gulo, iwasan na lang."

Ano ang masasabi niya na bahagyang nadiskaril ang karera ng kanyang kuya dahil sa pangyayari?

Pagkontra ni Vin, “Para sa akin, honestly, ha, on my own, 'pag lumalabas siya, kung paano kami lumabas noon, ganun pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, para sa akin, iba yung… hindi siya nawala.

"He’s still there, never siyang bumaba kahit konti sa kinalalagyan niya.

“Kasi pagbalik pa lang niya sa GMA, ikinukuwento niya sa akin nung nag-rehearsal siya.

“Sabi niya, lahat winelcome back siya, 'tapos nagpalakpakan lahat.

"Wala... sama pa rin, kung ano'ng iniwanan niya, 'andun pa rin siya.

“And the only way for him, for me, para sa akin, is to go up still.”

Kuwento pa raw ni Aljur sa kanya: "Alam mo, bro, lahat nag-welcome sa akin, masarap sa pakiramdam ko yung ganun. Nami-miss ko rin yung showbiz."


MY FIANCE SINCÉ BIRTH. Samantala, sa bagong kuwento ng Watppad Presents: My Fiancé Since Birth, makakasama ni Vin sa unang pagkakataon si Yassi Pressman.

Gagampanan niya rito ang role ni Vincent na nangakong papakasalan ang ipinagbubuntis pa lang na bata ng kaibigan ng kanyang mga magulang.

Si Yassi ang gaganap na Alyssa, na inilaan ang kanyang pagmamahal sa kanyang fiancé since birth na si Vincent.

Mapapanood ito simula Lunes, March 9, 9 P.M., sa TV5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN