Claudine Barretto to make a comeback via Wenn Deramas film

Matapos ang halos ilang taong pamamahinga sa telebisyon at pelikula, tila may magandang balita ang Optimum Star na si Claudine Barretto sa kanyang mga tagahanga. Inanunsiyo kasi ng direktor na si Wenn Deramas na malapit na nilang simulan ang comeback movie nitong Pinilit Kong Limutin Ka.


Malapit na nga bang mapanood muli sa pelikula ang Optimum Star na si Claudine Barretto?

Matagal na ring hinihiling ng Claudinians, bansag sa fans club ni Claudine, na sana ay magkaroon na muli ng TV o movie project ang kanilang idolo.

Matagal-tagal na rin kasing namahinga sa pag-arte ang aktres dahil sa kasalukuyang kinahaharap nitong mga kasong personal at gusot sa pamilya.

Huling napanood si Claudine sa pelikulang In Your Eyes noong 2010, at sa telebisyon naman ay sa Untold Stories ng TV5 noong 2012.

“PINILIT KONG LIMUTIN KA.” Nitong Huwebes ng gabi, March 5, nag-post ang direktor na si Wenn Deramas sa kanyang Instagram account ng balita tungkol sa napipintong ididirek niyang pelikula, na pagbibidahan diumano ni Claudine.

Maraming taon na ang binilang ng propesyunal at personal na ugnayan nina Claudine at Direk Wenn.

Matatandaang ang unang directorial job ni Wenn sa telebisyon ay ang Mula sa Puso (1997), na pinagbidahan ng noo'y teleserye queen ng ABS-CBN na si Claudine.

Ang kanya ring pangalawang pelikula na Dahil Mahal Na Mahal Kita (1997) ay pinagbidahan ng dating Star Magic prime talent.

Huli silang nagkatrabaho sa teleseryeng Walang Kapalit noong 2007.

Ngayon, sinabi ni Direk Wenn na ang gagawin niyang pelikula, na may pamagat na Pinilit Kong Limutin Ka, ang magiging reunion project nila ni Claudine.

Kasabay rin nito ang pag-post ni Claudine sa kanyang Instagram account ng larawan nilang dalawa ni Direk Wenn.

@wennderamas my Mentor. I luv u & missed u

A photo posted by @claubarretto onMar 5, 2015 at 12:37am PST


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN