Karla Estrada says friendship with Vice Ganda not affected by bashing of some KathNiel fans

Karla Estrada on Vice Ganda’s annoyed tweets involving Daniel Padilla and Kathryn Padilla’s GGV guest appearance: "Wala namang problema kasi nandun nga ako sa birthday niya, invited ako sa birthday [ni Vice Ganda]. At saka masyadong mababaw yun para sa pinagsamahan namin at sa pagmamahal niya sa mga anak ko."


Nilinaw ni Karla Estrada na hindi pa sila personal na nakakapag-usap ni Vice Ganda mula nang maganap ang pambabatikos ng fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa TV host/comedian.

Matatandaang hindi nagustuhan ni Vice ang pagrereklamo at pagkuwestiyon ng KathNiel fans sa maiksing guest appearance ng Crazy Beautiful You lead stars sa February 22 episode ng Gandang Gabi Vice (GGV).

Bagamat hindi nagbigay ng anumang detalye si Vice, tila may dahilan kung bakit maiksi ang segment ng KathNiel sa nasabing episode.

Read: Vice Ganda on Kathniel fans: "Hindi na nga nagpasalamat nagalit pa."

Sa kabila nito, kumpiyansa si Karla na hindi apektado ang pagkakaibigan nila ni Vice sa inasal ng ibang masugid na tagasuporta ng anak niyang si Daniel sa GGV host.

“Hindi pa kami nag-uusap. Kararating ko lang nung isang araw.

“Wala namang problema kasi nandun nga ako sa birthday niya, invited ako sa birthday [ni Vice].

“At saka masyadong mababaw yun para sa pinagsamahan namin at sa pagmamahal niya sa mga anak ko.

“Walang problema yun,” diin ni Karla.

Nagkataong nagbabakasyon sa Europe si Karla nang mangyari ang pamba-bash ng KathNiel fans kay Vice Ganda.

Ganunpaman, gumawa ng paraan si Karla na paalalahanan ang KathNiel fans na respetuhin ang mga taong tunay na nagmamahal sa kanilang iniidolo.

Kabilang na rito si Vice na madalas imbitahan sina Daniel at Kathryn sa kanyang TV show, kahit noong nag-uumpisa pa lang ang tambalan ng dalawang young stars.

Ayon pa kay Karla, nang mangyari ang insidente ay hindi umano niya naringgan si Daniel ng anumang hindi magandang komento patungkol sa tweets ni Vice.

Naniniwala rin si Karla na hindi na kailangang gawan ng isyu ang kanyang anak at matalik na kaibigan na si Vice.

“Si DJ [Daniel's nickname] lang yun, dyusko!

"Sabi ko, ‘Puntahan mo na si Tito Vice mo, yakap-yakapin mo dun at kung ano. Ganun lang, ‘di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN